Hiwaga

12 3 0
                                    

Magugulat ka nalang talaga,
'Pag ang nadarama'y may iba nang hiwaga.
Magigising nalang sa umaga na sigurado na ang lahat,
At tila ang mga katanungan ay nasagot nang lahat.

Malalim na nga ang pagkakahulog,
Ngunit nakangiti pa rin kahit na may kulog.
Hindi naman naibabalik,
Ngunit ang puso pa rin ay sabik.

Pakiramdam na hindi maipaliwanag ng salita,
Pakiramdam na nagbibigay sa puso ng sigla.
Pakiramdan na matagal pa bago nakumpirma,
Pakiramdam na para sa isa lang at wala nang iba.

Napakagandang pakiramdam at iba ang naibibigay na hiwaga,
Lahat ng sakit na dulot ay hinihigitan pa rin ng saya.
Ganito pala ang pakiramdam ng hiwaga,
Ang hiwaga ng tunay na pagmamahal.

A Heart's Point of ViewOù les histoires vivent. Découvrez maintenant