Sana Sinabi Mo

35 3 0
                                    


Sana sinabi mo

Nung sinabi mong ayaw mo na,
Naisip mo ba ang kanyang madarama?
Nung sinabi mong pagod ka na,
Naisip mo ba kung ano ang tiniis niya?

Sabi mo mahal mo siya,
Pero sana sinabi mo na mapapagod ka din pala.
Kung sana ay sinabi mo,
Puso niya sana ay pwede pang mabuo.

Kung sinabi mo lang sana,
Mga luha ay di na dapat nasayang pa.
Kung sana ay sinabi mo,
Mga mali ay baka naitama niyo.

Marupok yan,
Alam mo yan.
Kahit gaano kasakit,
Lahat ay mapapawi sa iyong paglapit.

Hindi sapat ang "mahal parin kita"
Para matabunan ang salitang "bibitawan na kita."
Madali man kitang nakalimutan,
Ngunit ibahin mo siya dahil ika'y di niya makakalimutan.

Sapat ng ako ang iyong tinalikuran,
Ngunit 'wag nang ulitin sa taong minahal ka ng lubusan.
Kung siya ay paulit ulit na sasaktan lang,
Pwede bang siya'y bitawan mo nalang?

©jgieee

A Heart's Point of ViewWhere stories live. Discover now