Sa Yakap Mo

38 4 0
                                    

Sa Yakap Mo

Sa yakap mo,
Ako ay kuntento.
Mahaba man ang araw,
Pero pag nayakap ka ay wala nang bibitaw.

Nasanay nang yakap mo ang sasalubong,
Sa mga luhang handa nang umusbong.
At sa yakap mong napaka higpit,
Alam kong ligtas ako hanggang sa aking pag pikit.

Kasabay ng pagyakap mo,
Ang pagbigkas mo ng "Tahan na, andito na ako."
Ngunit hanggang kelan mo 'ko dadamayan?
Paano kung bigla mo nalang pagsawaan?

Hindi nga ako nagkamali,
Wala na akong kayakap hanggang sa aking pag uwi.
Nagsawa ka na ba sa kadramahan?
Masiyado na nga ba kitang sinasandalan?

Sa bawat paghigpit ng yakap mo,
Hindi ko alam na sinasabi na nito na kilangan mo din ako.
Bakit hindi ka nagsasabi?
Bakit kilangang sa yakap mo lang ito ipasabi?

May pinagdadaanan ka din pala,
Bakit paghihirap ko lang ang inaantay mong tumila?
Bakit luha ko lang ang pinapawi ng yakap mo?
Ngunit bakit mag isa mo lang pinapawi ang iyo?

Naging okay ka nang 'di manlang nagsasabi,
Inaantay mo rin pala ang yakap ko sa iyong pag uwi.
Hindi lang pala ako ang nakinabang,
Kinailangan mo din pala at ikaw din ay nag aabang.

Andito pa rin naman ako,
Mag aantay pa rin sayo.
Sa yakap mo,
Na pareho tayong 'di binigo.


©jgieee



A Heart's Point of ViewOnde histórias criam vida. Descubra agora