Takbo

28 4 0
                                    


Takbo

Sa paglubog ng araw,
Ibang liwanag naman ang sisikat at iilaw.
Isang araw nanaman ang lilipas,
Ngunit tumatakbo ka pa rin at pilit na tumatakas.

Takbo dito, takbo doon,
Makakarating ka rin doon.
Babagsak at babagsak ka,
Pero dapat na tumayo at tumakbo pa.

Isa, dalawa, tatlo,
Ayan na si problema pero wag magpapatalo.
Kasi apat, lima, anim,
Susubukan ka lang niyan para ika'y magkimkim.

Sa pagtakbo sa karera ng buhay,
Sinusugal pati ang sariling buhay.
Minsan malakas ka, minsan nanghihina ka,
Pero sa huli pipiliin pa ding lumaban pa.

Wag na wag tatakbo para tumakas,
Dahil kahit anong gawin ay di makakatakas.
Tumakbo ka dahil ito ay isang karera,
Karerang patungo sa dulo na wala ng problema.





©jgieee

A Heart's Point of ViewWhere stories live. Discover now