Takot

33 4 0
                                    


Nakakatakot pumikit nang nakangiti,
Dahil baka bukas ito ay mapawi.
Tama ba?
O ako lang ang naiiba?

Natatakot sapagka't kahit nagawa na ang lahat,
Hindi pa rin sapat.
Ngingiti ka at sasaya ka,
Pero sa huli ay malulungkot ka.

May magpapasaya nang lubos,
Ngunit ayan ang isa at kalungkutan ang ibubuhos.
Bakit ba ganito?
Palagi na lang ba ganito?

Takot nang ngumiti,
Dahil sa kinabukasan na maaaring bumawi.
Takot nang tumawa,
Dahil sa matang naguusbong na lumuha.

"Paano ba maging masaya?"
'Yan ang palaging tanong.
"Naging kuntento ka ba?"
Pero 'yan ang dapat ngunit 'di naitatanong.


©jgieee

A Heart's Point of ViewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon