Sa Iyong Ngiti

34 5 0
                                    


Sa Iyong Ngiti

Sa iyong ngiti ako'y nadadala,
Sa iyong ngiti puso ay nagwawala.
Bakit ka ganyan?
Bakit di mawalawala ang iyong ngiti kahit minsan?

Napakalawak ng iyong ngiti,
Ngunit mas malawak ang dahilang nakakubli.
Ang iyong luha,
Yoon ang kahit kailan ay di masasanay na makita.

Sa iyong ngiti araw ay napupuno ng luwalhati,
Ngunit sa iyong pag luha, nararamdaman ay di na mawari.
Walang isang segundo na hindi nakangiti,
Kaya't pag nakitang lumuha kahit isang segundo ay di na mapakali.

Ang lalim na ng aking nararamdaman,
Paano ko ba 'to mapipigilan?
Bakit ako nagkakaganto pag ikaw ay nagkakaganyan?
Kaya pang magpigil ngunit hanggang kailan?

Sa iyong ngiti ako'y may napatunayan,
Nakangiti ka para di maipadama samin ang iyong kalungkutan.
Ngunit alam ko, ramdam ko, at kita ko,
Dahil kilala kita higit pa sa inaakala mo.



©jgieee

A Heart's Point of ViewKde žijí příběhy. Začni objevovat