Kasalukuyan

13 3 0
                                    

Ayan na, umiiyak nanaman,
Marahil ay dahil sa parehong dahilan.
Hanggang kailan ba iiyakan?
Wala na bang katapusan?

Pagod na pagod na nga,
Kaliwa't kanang problema, teka nga.
Bakit pa ba binabalikan?
Umuulit nanaman ba sa nakaraan?

Mga ngiti na nauuwi sa luha,
Mga problema na dinadala nalang sa tawa.
Nasaan na ba ako?
Nadapa nanaman, ano pa nga bang bago?

Tatayo muli mag isa,
Lalakad ulit gamit sariling mga paa.
Pupunasan ang luha at magpapalakas na,
Susubok muli ngunit sana ngayon ay may makinig na.




©jgieee

A Heart's Point of ViewWhere stories live. Discover now