Nagkamali Ako

40 5 1
                                    


Nagkamali ako

Nagkamali ako na iwan ka,
Nagkamali ako na sabihing ayoko na.
Nagkamali ako na nagduda ako sa pagmamahal mo ,
Nagkamali ako na hindi ko binigay ang aking tiwala sa iyo.

Napagtanto kong gusto pa kita
Kaya't heto ako at sinuyo kita.
Binanggit na gusto kita,
At pinaramdam na tunay ngang mahal kita.

Nagsisi na sa aking kasalanan
Tinanggap na ika'y lagi akong nasasaktan.
Tiniis ang lahat hanggang lahat ay kaya ng harapin,
Sa isiping baka sa huli ako parin ang iyong hahanapin.

Ngunit ikaw ay aking nakita,
Masaya sa piling ng iba.
Napatanong sa sarili kung bakit,
Kung bakit nagustuhan ang taong sa huli ay bibigyan lamang ako ng sakit.

Bakit kailangan masaktan?
Bakit pa pinagtagpo ang dalawang pusong hindi naman itinadhana?
Ang daming tanong sa aking isipan ngunit isa lang ang aking lubos na di maintindihan,
Bakit? Bakit ko hinayaan ang sarili ko na masaktan?

Pagod na ako maging ako,
Nagseselos ako ngunit sino ba ako.
Tanggap ko na ikaw ay dumaan lang sa aking buhay,
Dumaan, para turuan ako kung paano magpatuloy mabuhay.

Oo gusto kita,
Ngunit mas sasaya ka sa piling ng iba.
Gaano man katagal ako ay maghihintay,
Maghihintay na tuluyan ng bitawan ang iyong kamay.


©jgieee

I wrote this together with a friend of mine so I'm acknowledging this work as hers too.

A Heart's Point of ViewWhere stories live. Discover now