Hanggang sa Muli

5 1 0
                                    

Kapag sinabi kong mahal kita,
Ibig sabihin ay nasa puso lang kita.
Dumating man sa punto na tayo'y
nagkasakitan na,
Ngunit hindi mawawala na minahal pa rin kita.

Ang mga alaalang ikaw ay kasama,
Mananatili sa puso hanggang sa sakit ay tumila.
Ang mga sugat na mag iiwan ng marka,
Magsisilbing bakas sa ating pagsasama.

Walang pagsisisihan at magbabalik tanaw pa rin minsan,
Ngunit tanggap nang dati ay hindi na mababalikan.
Ang mga alaalang kukupas kasabay ng oras na lilipas,
Hindi na pipigilan dahil ito na ang wakas.

Pinapakawalan na kita, mahal.
Maging masaya ka, hanggang sa muli.

jgieee

A Heart's Point of ViewWhere stories live. Discover now