Pahinga

9 1 0
                                    

Paulit - ulit na binabalot ng lungkot ang bawat sandali,

Lahat ay naging mahirap maski ang pag ngiti.

Mga pangarap na unti - unting lumalabo,

Sariling nawasak at hindi na mabuo.


Ngunit tuloy - tuloy pa rin sa bawat araw,

Bumabangon para sa susunod na araw.

Sasabay na lamang sa agos ng mundo,

Na kahit oras ay hindi magawang huminto.


Sa tagal ng bigat na dinadala,

Tila namanhid at naubusan na ng salita.

Hindi na napansin ang mga oras at taong nawala,

Pati sarili din pala ay nawala.


Napagod ng hanapin ang sarili,

Ang tanging hiling na lang ay makahinga muli.

Pagod at lungkot ang nanaig, wala nang alam na ibang gawin,

Kaya't ano pa nga ba, kahit pahinga ay hindi alam kung paano gawin.


Hindi ba dito ang pagtatapos?

Sa pahinga ba natapos?

Hindi, hindi man agad na nahanap ang sarili.

Ngunit pahinga ang naging daan para tumuloy muli.


Malabo man sa ngayon ang dulo,

Pero kakayanin at hindi susuko.

Magpahinga ka,

Hindi masamang tumigil saglit at magpahinga.


jgieee







Du har nått slutet av publicerade delar.

⏰ Senast uppdaterad: Jul 05, 2022 ⏰

Lägg till den här berättelsen i ditt bibliotek för att få aviseringar om nya delar!

A Heart's Point of ViewDär berättelser lever. Upptäck nu