Ikaw ay sa Iba, Ako ay sa Iyo

13 2 0
                                    

Ako ay lubusang nag aalala,
Ngunit dalangin sana'y 'di mahalata.
Titignan ka at pagmamasdan,
Kung saan sigurado'y 'di ka daraan.

Kanina lamang ang lumipas,
Ngunit kung hanapin ka'y parang taon na ang lumipas.
Kung ano man ito,
Sigurado'y sayo lang naramdaman ito.

Ang makita ka na lumuluha mula sa tabi,
Ang alaala na aking dala hanggang mag gabi.
Gustuhin man na lumapit at punasan,
Ngunit laging mauuwi sa atrasan dahil wala ngang karapatan.

Laging kong inaabot sayo ang aking kamay,
Pero bakit? Bakit laging pag kuha sa iba ang mas gamay?
Tulak ng tulak sayo sa taong di mo naman gusto,
Paano naman ako, 'di mo rin ba ako gusto?

Tatawa nalang sa iyong harapan,
Pero sa isip ay iiiyak ka hanggang gabihan.
Ilang buwan na ang lumipas,
Ngunit ikaw pa rin talaga hanggang bukas.

Masaya ka na nga ba sa iba?
Dahil kasiyahan mo'y di ko na ipagpapalit pa sa iba.
Sasaya na lamang sa pag ibig ng iba,
'Pagkat ang iniibig ay may pag ibig ng iba.





©jgieee

A Heart's Point of ViewWhere stories live. Discover now