Panandalian

22 4 0
                                    

Panandalian

Walang dumating na hindi umalis kahit saglit,
Ngunit kahit na umaalis ay hindi pa rin nagagalit.
Sa bawat pag alis ay laging napupuno ng bakit,
Pero sa bawat pag balik ay inaabangan lang ang muling paglapit.

Aalis nalang at babalik na tila ba walang nangyari,
At nang bumalik, rason ay 'di parin mawari.
Sinasanay mo lang ba akong ikaw ay wala?
O pinalalamig mo lang ang puso kong nagwawala?

Darating, aalis, darating, aalis,
Ganyan ang takbo ng mundo at walang makakalihis.
Dumarating lamang para ikaw ay turuan,
At aalis para ikaw ay may matutunan.

Walang permanente, lahat ay nagbabago, lahat ay umaalis,
Kahit na ang mga pangakong "'Di kita iiwan" ay nagawa na ring bitawan.
Madali lang naman magsabi,
Ngunit mas madaling makasakit gamit ang mga nasabi.

Maging masaya na kapag siya ay kasama,
Ngunit 'wag hanggang sa puntong 'di mo na kaya 'pag siya ay di kasama.
Mga taong nakikila ay pawang mga napadaan lang,
Aalis din, sapagka't prensiya nila ay panandalian lamang.



©jgieee

A Heart's Point of ViewWhere stories live. Discover now