Bakit Ba Ikaw?

40 5 1
                                    

Bakit ba ikaw?

Sa dinami dami ng gugustuhin bakit ikaw pa?
Ikaw na simula palang alam kong ako'y 'di na dapat umaasa pa.
Pero kahit ilang beses pigilin,
Puso ko ay ikaw pa rin ang dinidiin.

Sinubukan mang kalimutan,
Ngunit nabigo at siyang hinayaan.
Napapasaya sa bawa't ngiti mong ginagawad,
Kaya sa aking pagtingin ngayon ay humihingi na ng tawad.

Masaya ako ngayon,
Hindi iniisip ang hinaharap na naroon.
Kinikilig pa rin sa maliliit na bagay na iyong ginagawa,
Kahit alam nang iiyak rin sa huli na parang lawa.

Bakit ba ikaw?
Bakit ba ang ngiti mo ang ilaw ng aking araw?
Bakit di ka maalis sa isip?
Paano na ako magiging handa kapag tadhana ay umiba na ng ihip?

Sabi nila ay huwag umasa,
Pero heto ako patuloy na nagsasaya.
Madami man akong bakit,
Ngunit alam kong ikaw na ang makakasagot ng pinakamalaking bakit.

Bakit ngayon lang kita pinapasok sa buhay ko?
Bakit hindi ko naisip na baka ikaw na ang makakapag sabi kung sino talaga ako?
Bakit ngayon lang kung kelang di na sigurado kung ako pa rin ba?
Bakit ngayon pang mukhang ika'y nakahanap na ng iba?

Oo umaasa akong sana ako pa rin,
Ngunit kung hindi na ay kilangan pa ring tanggapin.
Gusto kita, ngayon pa ba ako susuko?
Kung kailan handa na akong magtiis hanggang dulo.


©jgieee



A Heart's Point of ViewWhere stories live. Discover now