Ang Hirap Mong Mahalin

42 4 0
                                    

Ang hirap mo mahalin

Nagtatampo ngunit wala namang karapatan,
Sino ba ako para bigyan mo ng dahilan?
Punong puno ng katanungan,
Ngunit hindi na maalala 'pag ika'y nasa aking harapan.

Paano ba kita nagustuhan?
Mali pala, kailan ba kita sinimulang mahalin?
Hanggang kailan ko ba hahabulin ang iyong tingin?
Kailan ako 'di mauutal 'pag nahuhuli mo ang aking mga tingin?

Ang hirap mong hindi pansinin,
Dahil isang ngiti mo lang ay 'di na maaalis ang aking paningin.
Nakakalito na ang iyong mga kilos,
Bakit ka nagbibigay ng dahilan para puso ay magkagalos?

Ang hirap mong mahalin,
Ngunit ang puso ko ay mas mahirap intindihin.
Ilang beses nang sumubok na kalimutan,
Ngunit kahit anong gawin ay hindi kayang takasan.

Noong sinabing mahal kita,
Tinanggap na rin ang mga salitang masasaktan lang kita.
Mahirap kang mahalin,
Ngunit ito ay isang daan na aking handang tatahakin.

©jgieee

A Heart's Point of ViewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon