Ikaw

31 4 0
                                    


Ikaw

Sino ba ako?
Yan ang palaging tanong kapag nabibigo.
Naging sapat ba ako?
Yan ang tanong kapag lahat ng pangarap ay naguho.

Pagkakamali 'yon at ikaw ay ikaw,
Hindi magkapareho ang dilim at ilaw.
Ngunit minsang din naging madilim ang maliwanag,
Nagkamali ka pero hindi 'yon sapat para ikaw ay mabuwag.

Hindi mo kaya 'yan,
'Yan ang sinasabi ng iba.
Ngunit nakabangon ka dahil sa iyong kakayahan,
Wala nang iba.

Problema lang 'yan, may Diyos ka,
Sino ang mas malakas, Siya diba?
Pagkakamali lang yan, may kaibigan ka,
Sinong mas matimbang, sila diba?

Ikaw ay ikaw, di bale ng maligaw,
Basta ay wag lang bibitaw.
Walang kasiguraduhan sa mundo ngunit kilangang magpatuloy,
Magpatuloy sa mundong tuloy tuloy lang ang pag aloy.

©jgieee

A Heart's Point of ViewDär berättelser lever. Upptäck nu