Mapanlinlang Na NgitiNatulog man ng umiiyak,
Ngunit gigising pa rin ng puno ng galak.
Mga ngiti'y nakakapanlinlang,
Kaya't kapag tinatanong kung bakit masaya ay tila ba naiilang.Ganun na ba kagaling magtago?
Na isang iyak lang ay tila napaka laki ng pagbabago.
Kaya napipilitang na lamang na ngumiti,
Dahil mga tao ay nasanay na sa aking ngiti.Madaling ngumiti sa labas,
Nguni't kapag mag isa ay doon na nailalabas.
Naiilabas ang tunay na damdamin,
Na tao ay di kayang dinggin.Nag bibigay ng ngiti sa iba,
Dahil 'yon ang natatanging paraan para 'di tuluyang magiba.
Maaari bang kayo'y maging masaya?
Para naman ako'y magkaroon din ng dahilan para sumaya.Ang yakap ko ang kanilang takbuhan,
Basta sila ay naguguluhan.
Kaya't minsan ay dinadamdam nalang rin ang kanilang yakap,
Dahil minsan ay gusto ring makaramdam ng yakap.Masaya akong nabubuhay,
Ngunit mga mata ko'y ibang istorya ang binubuhay.
Laging pinapakita ay mga ngiti,
Ngunit sa looban, puso ay nakangiwi.©jgieee
YOU ARE READING
A Heart's Point of View
PoetryThis is what my heart says that can probably speak out what your hearts want to say... Hey theree! This is a compilation of all the poems that I wrote and i hope to reach into someone's heart through this book! Enjoy reading 😊 -jgieee