Hindi Ka Nagiisa

20 4 0
                                    


Hindi ka nag iisa

Araw man ang lumipas na tila ba iniisip mo ay wala pa rin,
Wag mag alala sapagka't siya ay lalapit din.
Hindi ka naman nag iisa,
Iniisip mo lang na ikaw ay mag isa.

Bakit pinagpipilitan ang mga taong ayaw lumapit?
Kung meron namang mga tao na lapit nang lapit.
Andito naman kami sa iyong harapan,
Ngunit tila ba 'di mo kami mapagtuonan.

Sino ba ang iyong inaantay?
Bakit mo pa inaantay?
Andito ka ngunit parang ika'y nakahiwalay,
Presensya'y nasa amin ngunit isipan mo ay bakit 'di mo mapalagay?

Hindi ka nag iisa,
May inaantay ka lang at umaasa.
Kung sana ay napapansin mo rin,
Ang presensya namin na nais mapansin.

Pero ayan at nalaman mo na ang dahilan,
Hindi siya makalapit dahil sa inyong nakaraan.
Wala na bang ibang paraan?
Kailangan bang kayo ay mag antayan?

Hindi ka nag iisa,
Pinipili mo lang maging mag isa.
Tigilan na ang pag asa,
Para 'di na mag isip na ikaw ay mag isa.



©jgieee

A Heart's Point of ViewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon