Chapter 23

364 8 0
                                    

Kinahapunan, bumalik na sila sa villa para magpalit at kumain. Tinulungan ni Lucy si Nay Lourdes sa pagliligpit ng mga pinagkainan nila. Ayaw man ng matanda ay wala na itong nagawa nang manguna siya sa pagliligpit ng mga pinggan.

Matapos maghapunan ay inabala niya ang sarili sa pagkuha ng mga litrato sa nagliliwanag na buwan at sa perpektong repleksyon nito sa tubig-dagat na kumikinang. Ilang minuto pa siyang nanatiling nakaupo sa buhangin sa dalampasigan habang tahimik na pinapanuod ang kalmadong dagat.

Maya-maya ay may lumapat na jacket sa balikat niya. Nakangiting umupo sa tabi niya si Jakob na may bitbit na beer.

“Umiinom ka na naman.”

“Nah. Just for tonight. Do you like?” anito saka uminom ng beer sa lata.

“Yeah. Muntikan ko nang makalimutan ang ganitong kakalmadong pakiramdam. Yung kontento ka lang na pagmasdan iyon.” Ininguso niya ang buwan.

Mas lumapit ang binata sa kanya saka hinaplos ang may kahabaan na buhok niya na inililipad ng hangin. Isinandig niya ang ulo sa balikat nito saka nakangiting pinagmasdan ang buwan.

“Hindi pa  rin ako makapaniwala. Parang kelan lang ng una ko kayong makita ni Ms. Tamara na nagtatalo sa loob ng comfort room ng convenience. Tapo—”

“Hindi ba sa elevator tayo unang nagkita?”

She chuckled. Sabi na nga ba niya hindi talaga nito naaalala ang pagnakaw nito sa first kiss niya noon.

“Nope. Nagkita na tayo bago pa iyon. Remember ‘yong babae na nag-video sa inyo ni Ms. Tamara ng habulin mo siya sa comfort room ng isang convenience store last year?”

Kumunot ang noo nito saka napaisip. “Ow? O sh*t…yeah, I remember now. So, it’s you?”

Tumango siya saka muling ibinalik ang atensyon sa kalmadong dagat. “You stole my first kiss.”

“U-huh? I’m pissed that time after Tam rejected me because of Neon. Tapos dinagdagan mo pa. But, I found you cute that time.”

“TSk! Cute my ass. Eh, pinahiya mo nga ako sa company’s bosses nyo eh.”

Mahigpit na hinapit siya nito papalapit. Napasubsob ang mukha niya sa matigas na dibdib nito.

“I’m sorry.” bulong ng binata saka siya hinalikan sa tuktok ng ulo. Napangiti siya saka yumapos rin sa beywang ng nobyo.

Mag-aalas dyes nang muli siyang yayahin ng nobyo pabalik sa dampa sa tabi ng talon matapos sila magsawa sa pagmamasid sa dagat.

Napangiti siya ng malawak nang makita ang nagliliwanag na dampa.  May makapal na blanket, carpet at iba’t ibang hugis at laki ng unan sa sahig. Mas pinaliwanag rin ang loob niyon ng ilaw mula sa maliliit na bombilya at christmass light na napaikot sa gilid ng dampa.

“Okay? Anong meron?” nahihiwagan na tanong niya sa nobyo na s’yang nakaalalay sa kanya paupo sa carpet.

Nang umihip ang malamig na hangin ay inabot niya ang makapal na blanket at ibinalot sa hita niya. Mabuti na lamang at pinahiram siya ng hood ng nobyo bago siya hinila papunta roon.

“You’ll see it later.” anito saka umupo sa tabi niya habang nakatitig sa mayabong na puno ng mangga sa tabi ng ilog ‘di kalayuan sa puwesto nila.

“Ano bang hinihintay natin dito? Ngayon ko lang nalaman na sobrang effort pala ni attorney Ladesma sa mga ganitong bagay.” pinaikot niya ang mata sa kabuohan ng dampa.

“Tsk! Effort naman talaga ako ah.” Busangot nito saka siya inakbayan. Napangiti na lamang na isinandig niya ang ulo sa balikat ng binata saka excited na hinintay ang sinasabi nito.

When A 'Certified' Single Falls In LoveOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz