Chapter 5

458 8 0
                                    

Halos maputol ang mga litid ni Jakob habang pinapanuod kung paano siya walang ingat na hilahin ni Lucy papunta sa sofa. Nasas loob sila ng control room at pinapanuod ang CCTV footage noong nakaraang araw ng malasing siya matapos i-reject ni Tamara. Ang dalawang kasama naman niya ay tawa ng tawa habang siya ay halos tirisin na ang babae na iyon. Kaya naman pala sobrang sakit ng katawan niya nang  magising dahil sa paghila nito sa kanya.

“Fuck… hahahahaha epic fail ang paghila sayo ni Lucy hahahaha…” halakhak ni Craig na agad nagseryoso nang tingnan niya ng masama.

“Click mo sa ibang files.” utos niya.

Maya-maya ay nakita na rin nila ang footage na hinahanap para malaman kung sino ang may kagagawan ng pesteng mga drawing sa mukha niya.

Napalatak si Spencer nang makita nila kung sino ang tunay na salarin sa permanent at waterproof na mga drawing sa mukha niya. Ang gago pa lang si Torrence ang may kagagawan at talagang dinagdagan pa nito ang ginawa ni Lucy sa kanya. Kaya pala nagmamadaling umalis na ang kaibigan kanina nang sabihin niyang i-che-check niya ang CCTV.

“Gago talaga iyang si Torrence.” ani Spencer. Ito at si Craig lamang ang natira sa mga kaibigan na nagkanya-kanya na rin ng alis.

“Really?” sarcastic na tanong niya.

“Well, ipagpasalamat mo na lang na inawat ko nang maagap kung hindi ay buong mukha mo ang may drawing.” Tiningnan naman niya ng masama si Spencer na nasa tabi niya at natatawa pa rin.

“Siraulo. Sisingilin ko talaga kayo ng malaki kapag kailangan nyo ng abogado.” i-iling-iling na aniya habang pinagmamasdan ang mga screen sa loob ng kuwarto.

Mukhang totoo naman ang sinabi sa kanya ng pandak na iyon. Pero hindi pa rin niya mapapalampas na hinila-hila siya nito. Thinking of the petite girl he frowned when he saw the footage of the girl, he left in the VIP room. Lalong napakunot ang noo niya nang mapansin ang ginagawa ng babae.

“Click that footage, Craig.” mabilis n autos niya sa kaibigan saka itinuro ang footage ni Lucy.

“What is she doing?” tanong ni Spencer na sinundan ng matunog na tawa nito dahil sa ginagawa ng babae.

“Hindi ka ba natatakot Spence na malugi dahil sa babae na iyan?” aniya habang di-makapaniwalang pinapanuod ang dalaga na enjoy na enjoy na nilalantakan ang mga pagkain na inorder niya. At talagang parang customer ito doon kung makaupo at kain ng mga pagkain.

Tinawanan lang siya ni Spencer na amused rin na pinapanuod ang dalaga na talagang parang food critique pang nagco-comment sa bawat subo sa mga pagkain na naiwan niya sa kuwarto kanina.

“Nah. I find it cute. Saka kasalanan mo rin naman dahil pinaghintay mo nang matagal.” Natigilan siya sa sinabi ng binata.

“Really? Huwag mong sabihin na talagang bumaba na ang standard mo sa mga babae?” kunot noong tanong niya na s’yang ikinailing ni Craig.

“Kaysa naman sa iyo na si Tamara ang ginagawang standard.” Tapik nito sa kanya saka siya iniwan ng mga kaibigan sa loob ng control room.

Lumalim ang gatla niya sa noo habang pinagmamasdan pa rin ang dalaga na sarap na sarap sa kumakain habang iniisip pa rin ang sinabi ng kaibigan kanina.

When A 'Certified' Single Falls In LoveWhere stories live. Discover now