Chapter 7

402 8 0
                                    


Humahangos na pumasok si Lucy sa loob ng presinto ng araw na iyon. Nang mabalitaan niya ang nangyari sa tiyuhin ay agad siyang nag-out sa trabaho para puntahan ito sa himpilan ng pulis.

“Uncle!”

“Lucy!” Niyakap niya ito pagkakita na pagkakita sa tiyuhin na pinagkakaisahan ng mukhang mayayaman na tao.

“Anong nangyari?”

“Eh, si Avel kasi…” mangiyak-ngiyak na banggit ng pangalan ng alam niyang boyfriend nito. Lumipad ang tingin niya sa nobyo ng tiyuhin, pero wala siyang nakitang ni anino ni Avel sa loob. 

“Yan… Yang bakla na iyan. Hina-harass ang anak ko. Hindi na nahiya! Menor de edad pa ang kinakalantari!” sigaw ng ginang na halos lumuwa ang mga mata.

“Tito? Ano bang nangyari?” mahinahon na tanong niya sa cute na tiyuhin.

“Hindi ko naman alam eh. M-Malay ko ba na nagsinungaling sa akin si Avel…” Maluha-luha na anito saka niyakap siya. Narinig niya ang pag-singot ng tiyuhin sa balikat niya.

“Excuse me lang po ha. The last time I remember hindi naman ang uncle ang buntot ng buntot sa kanilang dalawa. Ang anak nyo po ang sumuyo sa tiyuhin ko. Eh, malay ba naming na may dugong Prada pala iyang sinungaling na iyan.” Segunda niya sa mga tao roon. Wala siyang pakialam kung halos sumabog na ang ginang sa pula ng mukha nito.

Mabilis na nakabawi ang ginang. “Magkamag-anak nga kayo, pareho kayong walang breeding at delikadesa. Para sabihin ko sa iyon ija nahuli ko iyan…iyang malandi mong tiyuhin na hina-harass ang anak ko.”

Gustong-gusto na niyang sabunutan ang Avel na nobyo ng tiyuhin niya. Ang kaso wala ito roon. Hindi naman talaga hina-harass ito ng tiyuhin dahil unang-una si Avel ang palaging nangungulit sa tiyuhin para sagutin lamang ang panliligaw nito. Wala rin silang ideya na menor pala ito at peneke ag mga ID na ginagamit nito.

“Aba, anong hina-harass eh iyang anak nyo ang lumalandi sa tiyuhin ko na nanahimik sa trabaho niya. Aba kasalanan ba namin na may mga lahi kami na cute at magaganda kaya nahulog iyang anak nyo sa tiyuhin ko.”

Kung tutuusin ay ilang ulit nang ipinagtabuyan ng tiyuhin si Avel dahil nga maging ito ay hindi naniniwala na may gusto ang gwapong katrabaho rito. Pero dahil nga mapilit ang lalaki ay nahulog na rin ang loob ng tiyuhin niya.

Hindi naman kasi talaga baklang-bakla ang tiyuhin. Oo, minsan nagcro-cross dress ito pero madalas ay panglalaki pa rin naman ito manamit though obvious na may pusong babae ito. Pretty handsome kung baga ang tiyuhin na pinanganak na ‘atang parang babae ang katawan at kutis idagdag mo pa ang cute at maamong mukha nito.

Dinuro sila ng ginang saka matapang na pinagbantaan sila, “Tandaaan mo, kaya kong ipakulong iyang tiyuhin mong higad! Walang mga kahihiyan!” Nagpanting ang tenga niya kaya halos mahablot niya ang buhok ng bruhang nanay ni Avel at na saan na nga ba ang gagong binata na iyon na missing in action. 

Aba! Kung alam lang nila na mayaman at matapobre pala ang dugong nanalaytay kay Avel ay matagal na niya itong hinambalos ng upuan nila sa sala na madalas nitong upuan. At malay ba nilang nagpanggap lang pala si Avel na empleyado sa publishing house na pinagtratrabahuhan ng tiyuhin sa tulong na rin ng kaibigan nitong s’yang anak ng may-ari noon. Maging ang edad at status nito sa buhay ay gawa-gawa lamang pala.

Geez! Nakakaloka, daig pa nila ang nasa isang telenobela. Ang ganda ng tiyuhin niya ha! Natalo pa ang loveless niyang buhay.

Pero hindi iyon ang problema nila ngayon dahil mukhang desidido ang pamilya ni Avel na kasuhan ang tiyuhin. May dala na rin ang mga ito na abogado na mukhang bigatin rin.

When A 'Certified' Single Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon