Chapter 3

455 12 0
                                    


Damang-dama ni Jakob ang pananakit ng katawan nang magising siya sa sofa, partikular na ang likuran at ang balikat niya. Daig pa niya ang sumabak sa isang suntukan. Kinapa niya ang ulo na biglang kumirot dahil sa hangover saka iniikot ang paningin sa kuwarto.

Mukhang nasa restaurant pa rin siya ni Spencer.

“Fuck! Ano bang nangyari?” singhal niya nang mas lalong kumirot ang likuran at balikat nang tumayo siya. Ang huli niyang naaalala ay ang pag-reject na naman sa kanya ni Tamara at ang pagsuntok niya sa gagong Neon na iyon.

“Damn!” Bakit ba naman kasi hindi siya magustuhan ni Tamara?

Matagal na niyang mahal ang dalaga. Matagal na siya nitong sinusuportahan simula ng mamatay ang kanyang ina dahil sa Cancer.  Hindi na nga niya matandaan kung kelan unang na-inlove siya sa babae. All he knew was Tamara was a perfect lady for him. Mga bata pa lamang sila ay ito na ang  umaalalay at dumadamay sa kanya. She’s a total package for him—Gorgeous, smart, talented and kind-hearted. Sino ba naman ang hindi ma-iinlove sa dalaga.

Hindi naman siya nagkulang sa pagpaparamdan sa dalaga na mahal niya ito ang kaso hindi naman niya ini-expect na baby brother pala ang tingin sa kanya ng babaeng matagal na niyang mahal.

“Ladesma! Bro.” Napatigil siya nang bumungad sa kanya ang pagmumukha ni Torrence at Nich.

“Kamusta ang sawing puso sa ikalimang pagkakataon?” nakangising asar ni Torrence sa kanya.

“Gago!”

Alam ng mga kaibigan kung gaano niya kamahal si Tamara, kung gaano kalaki ang epekto nito sa kanya. Sa limang beses ba naman na sinubukan niyang magtapat sa dalaga, ito ang mga nakasaksi ng limang beses rin na rejection na nakuha niya kay Tam.

Inakbayan siya ni Torrence na patawa-tawa. “Patience. Patience is a virtue. Try ng try lang mai-inlove rin sayo si Tam.”seryosong payo nito sa kanya. May patapik-tapik pa ang kaibigan sa balikat niya though may nakakalokong kislap sa mga mata nito.

Hindi niya alam kung ini-encourage talaga siya nito o pinagtritripan na dahil sa mukha nito na nakatingin sa mukha niya na parang may nakakatawa.

“Gago. Try and try until you die, kamo. Eh, konti nalang masusunog na ang baga niya sa kakainom kapag nire-reject ni Tam. Kelan ba ang huli mong confession sa kanya? May isang buwan pa lamang ah.” Si Spencer na kapapasok lamang sa loob ng kuwarto. Iiling-ling itong umupo sa kaharap na sofa.

Humarap siya sa tatlo na patawa-tawa sa kanya. Hindi niya pinansin ang paghalakhak ng tatlong unggoy, imbis ay pumasok na siya sa comfort room para maghilamos. 

Pero natigilan siya sa repleksyon niya sa salamin. Para siyang panda na may sungay sa itsura niya. May tinta ng marker sa paikot ng isang mata niya, may sungay rin na mukhang pinatungan ng marker, maging ang tuktok ng ilong ay mayroon na itim na tinta.

Shit! Mabilis na sinilip niya ang labas ng banyo saka matalim na tinitigan ang mga kaibigan na humahalakhak na.

“Sinong gago ang nag-drawing sa mukha ko?” singhal niya habang naghihilamos at pilit inaalis ang mga tinta sa mukha niya.

“Damn!” he frustratedly uttered. Yung sa ilong lang niya ang natanggal ng sabon. Nakailang hilamos pa siya pero hindi talaga natatanggal iyong sungay at nasa mata niya.

When A 'Certified' Single Falls In LoveΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα