Chapter 16

417 6 0
                                    

Tagaktak na ang pawis ni Lucy pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagtakbo.  Maaga siyang umalis sa kanila para mag-jogging sa katabing parke. Ala-singko pa lang ay gising na siya kahit hapon pa ang shift niya sa trabaho. 

Ilang araw na siyang walang maayos na tulog at ilang araw na rin na kung ano-anong ginagawa niya para iwasan si Jakob. Isinuot niya ang earphones habang binibilisan ang pagtakbo. Halos isang oras na siyang tumatakbo pero hindi niya pa rin mabura ang imahe ng mukha ni Jakob sa utak niya.

Mas binilisan pa niya ang takbo pero napahinto siya biglang may humarang sa daraanan. Napaatras siya nang makita ang seryosong mukha ng lalaki na kanina pa niya pilit kinakalimutan. Inalis niya ang earphones sa magkabilang tainga saka tiningnan ang ayos ng binata.

Jakob was standing dazzlingly with his white polo long sleeve and blue jeans. Nakabukas ang ilang botones ng polo nito na binagayan ng silver necklace hanging on his neck. Sa’n nga ulit ang shooting??

“Iniiwasan mo ba ako? No. let me rephrase may question bakit mo ako iniiwasan?” seryosong tanong nito habang humahakbang palapit sa kanya na s’yang ikinaatras niya.

“Huh? Iniiwasan kita? Hindi ah.” Kunwaring patay-malisya niyang sagot habang iniiwasan ang mga mmata nito. 

“Hindi?” Umiling ang binata saka lumabi.  “Okay, bakit hindi ka nagrereplay sa mga messages ko?”

“T-Teka? Mandatory bang replayan kita?” Natigilan ito saka madilim na bumaling sa kanya.

“Tell me, anong problema? Wala ka man lang replay?”

Paano ba naman kasi niya rereplayan ang mga messages nito eh daig pa nito ang nanliligaw sa kanya. Ang awkward kaya lalo pa’t mukhang hindi maalaala nito ang nangyari noong denideliryo ito ng sakit.

Tumigil siya sa pag-atras saka seryoso rin na sinalubong ang mga mata nito. Perfect timing na rin ito para magtanong sa binata para malinawan na siya sa kinikilos nito.

“Aware ka ba sa mga messages mo sa akin? Daig mo pa ang manliligaw ah. Tapatin mo nga ako may gusto ka ba sa akin?” lakas loob niyang tanong sa binata na muling natigilan.

Aba, bahala itong sabihan siya na assumera at feelingera. Hindi lang talaga niya ma-confirm ang gumugulo sa isipan niya dahil nga nakita niya kung gaano nabaliw ang lalaki kay Ms. Tamara na walang wala siyang panama.

Ilang segundo na pero tahimik parin ang binata na mukhang napaisip rin sa sinabi niya.

“What? Alam mo…nevermind na nga lang.” aniya. Mukhang walang balak sagutin ng binata ang tanong niya.

Inirapan n’ya muna ito saka tinalikuran at muling ipinasak ang earphones sa tainga at muling nag-jogging papalayo. So? Mukhang mali ‘ata siya ng feeling this time. Na-false alarm mga bakla.

Ipinilig niya ang ulo saka pinabilis pa ang pagtakbo. Pero nasa kalagitnaan siya ng pagtakbo ng may humigit sa braso niya saka paharap na hinapit ang beywang niya.

Tumaas ang kilay niya nang makita ang mukha ni Jakob na ngayon ay pawisan na rin. Hinugot nito ang earphones na suot saka tumitig sa mukha niya.

“Yes.” Napakunot ang noo niya sa sinabi nito.

“Huh?” Itinulak niya ang binata na mabuti na lang ay binitawan na rin siya.

“What if I really like you? And I want to court you?” seryoso pa rin ang mukha ng lalaki.

Pinag-aralan niya ang ekspresyon ng mukha nito. Mukhang seryoso naman ang binata pero hindi pa rin siya kombinsido. Bumuntong hininga siya.

“Three things, Mr. Ladesma. Una, hindi ako nagpaka-single sa maraming taon para maging rebound. Pangalawa, hindi ako konbinsido sa biglang pag-iba ng hangin. Lastly, how about Ms. Tamara? Have you really moved on from repeatedly rejection from her?” nakapameywang na wika niya saka muling tinalikuran ang binata. 

When A 'Certified' Single Falls In LoveOnde as histórias ganham vida. Descobre agora