Chapter 14

404 13 0
                                    


Bumungad ang boses ni Spencer nang pumasok si Lucy sa opisina ng boss. May ipinapabigay kasi si Manager Shen na liquidation at financial report ng restaurant sa lalaki.

Nang makita siya ay sinenyasan siya nito na maupo muna. May kausap kasi ito sa telepono.

“How many times do you have to call me today? Sinabi ko na sa’yo busy kami ngayon. Ano? Kakasuhan mo ako?  Come on. Hindi ba kaasama mo na si Nay Lory? Sinabi ko na sa’yo. Magpahinga ka na lang muna diyan. Bye.”

Binalingan siya nito nang matapos ang tawag. “Sorry.”

“Okay lang po, sir. Ito na po ‘yong hinihingi nyo po kay Manager Shen. May inaasikaso po kasi siyang VIP kaya pinakisuyo na lang po sa akin.”

“Yeah. Thanks.”

Inabot nito ang folder saka siya nginitian. Papalabas na siya nang tawagin nito ang pangalan niya.

“Jakob is sicked.”

Natigilan siya. Kaya naman pala hindi pa niya nakikita simula kahapon ang lalaki sa restaurant. Pero bakit sa kanya sinasabi ng kaibigan nito iyon? As far as she remembered ay wala naman siyang kinalaman sa pagkakasakit nito.

“Ah, eh… ganoon po ba, sir…U-Uhm kamusta na po siya?” Kunwaring tanong niya para naman masabing she cared.

“Actually, medyo hindi siya okay…” kamot-ulong ani ng boss niya na s’yang ikinakunot ng noo niya. Now, she’s curious.

“M-Malala po ba sakit niya?” nag-aaalalang aniya and this time ay totoo na ang pag-aalala niya. Mamaya malala na pala ang sakit ng binata.

Her boss chuckled on her reaction. “A-ahh, no. it’s not what you think. Just…the thing is medyo hindi okay ang emosyon niya everytime he has a fever.”

Mas lumalim ang gatla niya sa noo. “Gaano kalala, boss?”

Hindi pa man nakakasagot ay muling nag-ring ang cellphone nito. Ipinakita muna nito kung sino ang caller saka sinagot. Si Jakob.

“Hello? Huh? Ibigay mo nga ang telepono kay Nay Lory? Nay? Kamusta siya? Ganoon po ba…Teka, Ladesma, ‘wag mong agawin kay Nay Lory ang cellphone. Teka, teka…” Nakangiwing nginitian siya ng boss bago muling kinausap ang nasa kabilang linya.

“Yeah. Si Lucy? Why?” Napatingin siya sa lalaki ng banggitin na nito ang pangalan niya. Ano ba talagang problema ng abogado na iyon? Malala ba talaga ang lagay noon? Eh, hindi ba trangkaso lang naman? Mamamatay na kaya ito?

“Wait…Kindly give it Clive? Fuck you too, Sinclair. Huwag mo nga akong murahin…ibalot mo na muna iyang si Jakob sa comforter. How about you call Tamara?”

Mukhang matatagalan pa ang binata sa kausap kaya naman sumenyas na siya sa amo na aalis na wala naman nagawa ito kung hindi ang tumango-tango lang sa kanya.

Napaisip siya sa narinig na usapan sa loob ng opisina ng boss. Ano ba ang lagay ni Jakob talaga? Haindi tuloy maiwasan na mag-alala siya para sa binata. Ayos pa naman ang lagay nito nang kumain sila sa labas last time ah. Sobrang hangin at yabang pa nga nito noong huli silang nagkita after ng game nila.

Kaya bakit…Teka, trangkaso lang naman, hindi ba? Bakit parang ang big deal naman ata nila sa trangkaso? Nang sumakit ang ulo sa kaka-isip ay muli na lang niyang inabala ang sarili sa pagtratrabaho.

When A 'Certified' Single Falls In LoveOnde as histórias ganham vida. Descobre agora