Chapter 15

414 12 0
                                    

Nanghina ang katawan ni Lucy nang bigla siyang higitin ni Jakob na may ngisi pa rin sa mga labi. Bumagsak siya padapa sa katawan ng binata habang yakap nito ang beywang niya at magkalapit na magkalapit ang kanilang mga mukha. Gustuhin man niyang tumayo’t lumayo mula sa ibabaw ng lalaki pero hindi niya magawa dahil ipinulupot nito agad ang braso paikot sa likod niya.

“J-Jakob… T-Teka…P-Pakawalan mo ako.”

Muntikan na niyang sabunutan ang sarili nang mas lalong mataranta sa ayos nilang dalawa. Kaunting galaw na lang at talagang mahahalikan na nila ang isa’t isa. Kaya nga ay pinigilan din niyang gumalaw nang gumalaw.

May mapaglarong ngiti ang binatang inilagay ang mga takas na buhok sa likod ng tainga niya. Mas lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso niya. 

“Hmm.” Inilapit ng binata ang mukha sa leeg niya at inamoy-amoy iyon.

Lalo siya nanghina nang maramdaman ang mainit na hininga nito na dumadampi sa leeg niya. Damn it! Kailan pa ba siya naapektuhan ng ganito kalala dahil sa lalaki?

Mas uminit ang loob ng kuwarto ng binata nang mas lalo nitong inilapit ang mukha sa leeg niya.

Oh My Gosh! Oh My GOSH!

Hindi niya kinekere ang nangyayari sa kanya…Ni hindi niya magawang maka-alpas sa binata dahil natulala na siya sa mukha nito na tila ‘ata nagliliwanag sa paningin niya.

“J-Jakob…”  she moaned when Jakob licked her neck. Gusto niyang itulak ang lalaki dahil alam niyang hindi tama ang ginagawa nito pero wala siyang lakas. Tila kinukuha ng binata ang lakas niya para lumayo s’ya mula rito.

Nanlaki ang mga mata niya nang bigla nito halikan at sipsipin ang balat sa leeg niya. Nang may maramdaman na hapdi ay buong puwersa niya itong itinulak. Kinapa niya ang leeg na hinalikan nito saka nanlilisik ang mga mata na tumingin sa lalaki na nangingislap ang mga mata.

“How dare you! Manyak ka ta—” Akmang hahampasin na sana niya ito nang biglang bumukas ang pintuan saka pumasok si Nay Lori na siyang natira na lamang dahil nagpaalam na kasi sina Torrence at Doctor Clive sa kanila.

“Ija? Anong nangyari? Okay ka lang ba?”

Pasimpleng tinakpan niya nang buhok ang leeg na hanggang ngayon ay nag-iinit pa rin. “Huh? Ai, wala po. Muntikan lang po siyang mahulog sa kama hehehe.”

Matalim na tiningnan niya si Jakob na muling bumalik sa pagkakahimbing at parang walang nanyari na nanghihilik na. Humanda talaga ito sa kanya!!!

“Uhm, uuwi na rin po ako, Nay. Tumawag na po ang tiyo ko ai. Sige po. Kayo na po bahala sa depunga…eh, este kay attorney.” Nagmamadaling dinampot niya ang bag na nakapatong sa bangko.

“S-Sige, ija. Salamat ha. Mag-ingat ka. Siya nga pala babalik ka ba bukas ija? Ipagluluto ki—”

“Ai, may work po ako bukas, nay eh. Baka hindi po ako makapunta. Kayo na po muna bahala sa kanya. U-umh, sige po alis na ako. Bye.” Halos takbuhin na niya ang pintuan papalabas sa unit ng depungal na iyon.

Wala siyang pakealam kung ano man ang isipin ni Nay Lory sa kanya basta gusto lang niyang makalayo sa lugar kung na saan ang binata. Kung hindi ay baka mas lalo pang lumalala ang nararamdaman niya.

Kinabukasan…

Nakailang hikab na si Lucy sa gitna ng trabaho. Hindi siya nakatulog ng maayos kagabi dahil hanggang madaling araw ay hina-hunting siya ng senaryo sa bahay ni Jakob. Late rin siya dumating kanina dahil ilang minuto siyang nakatulala sa harap ng salamin dahil sa pulang marka sa leeg niya na kagagawan ng depungal.

When A 'Certified' Single Falls In LoveKde žijí příběhy. Začni objevovat