Chapter 6

438 9 0
                                    


Hingal na hingal si Lucy nang tagumpay na maihiga si Jakob sa sofa sa loob ng unit ng binata. Mabuti na lamang at napilit niya itong buksan ang unit nito para maipasok sa loob ang binata.

“Hmmm…T-Tam..Tamara…” Napailing siya nang ini-ungol nito ang pangalan ni Tamara.

“Tsk! Baliw ka na talaga. Baliw ka na sa pag-ibig.” Lintiya niya pa rin sa lalaki na natutulog na sa sofa.

Iniikot niya ang mga mata sa loob ng unit nito na daig pa ang pugad ng ahas sa sobrang kalat.

“Lawyer ka ba talaga?” nailing na tanong niya sa binata na ngayon ay humihilik na.

Nagkalat ang mga pinaghubaran na damit nito sa sahig at mga upuan. May mga pinagkainan rin ng mga junk foods at mga lata ng beer sa center table sa sala nito. Pagdating niya sa kusina para maibaba ang dalang pagkain ay lalo siyang nadismaya sa tambak na mga hugasin sa lababo nito.

“Naniniwala na akong nobody’s perfect. Grabe ang lala ng lalaking iyon.” Reklamo niya habang pinagmamasdan ang tila binagyong kusina nito. Nagkalat sa lababo ang mga hugasin at mga pakete ng mga junkfoods, at mga plastic ng mga ini-order nito mula sa iba’t ibang restaurant. 

Hindi niya natagalan ang mga kalat, agad sinimulan niyang itinapon sa trash can ang mga plastic container na pinagkainan nito. Inimis rin niya ang mga kalat sa lamesa saka sinimulang hugasan ang tambak na pinagkainan ng binata. Matapos sa kusina ay pumunta naman siya sa sala para magsimulang maglinis roon.

Ilang oras rin ang lumipas bago pagod na pagod na umupo siya sa pang-isahang sofa. “Malala ka na talagang lalaki ka.” aniya sa tulog pa ring lalaki.

Ngayon lang niya na-realize na hindi match ang personality nito at ni Tamara. Baka wala pang isang buwan na magsama ang dalawa ay maghiwalay rin ang mga ito.

Sa kakaisip ay inantok na rin siya habang naka-upo sa sofa at tinititigan ang lalaki. Pagod na ipinikit niya ang mga mata. Hanggang sa mabilis na nakatulog siya.

A few hours later… Muntikan nang mapasigaw si Lucy ng mamulatan ang seryosong mukha ni Jakob na mukhang katatapos lang maligo dahil sa mamasa-masa na buhok nito. Maayos na ang itsura nito, nakapagpalit na rin ng cotton shorts at simpleng black t-shirt ang binata. Well, totoo naman pala talagang may ipagmamalaking kagwapuhin rin naman pala ito.

“What are you doing here?” nakatitig na anito sa kanya.

“Huh?”

“Anong ginagawa mo sa bahay ko?” ulit nito. Mabilis na napatayo siya saka ini-unat ang braso at leeg na nanakit dahil sa posisyon niya kanina sa sofa.

“Sasagutin mo ba ang tanong ko o ihahagis kita papalabas?” nakapameywang na ani ng binata.

“Ang brutal ha. Dapat nga magpasalamat ka sa akin dahil tinulungan pa kitang makapasok sa bahay mong daig pa ang binagyo sa kalat.” She rolled her eyes na lalong ikinaseryoso ng binata.

“Oo na. Inutusan ako ni Boss Spencer na maghatid ng pagkain. Nasa loob ng microwave. Initin mo nalang siguro.”

Inabot nito ang towel sa balikat at pinunasan ang basang buhook bago siya bigyan ng pera saka talikuran.

“That’s my payment. You can go now. Thank you.” matigas na wika nito. Napanganga siya sa sinabi nito sa kanya.

“Aba! Ang lala ng ugali ng depungal!” Hindi makapaniwalang turan niya habang tinititigan ang binata na tuloy-tuloy ang paglakad papuntang kusina nito.

When A 'Certified' Single Falls In LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin