Chapter 31

383 10 0
                                    


Buong isang araw na hindi nakita ni Lucy si Jakob sa bahay nito. Matapos na magkasagutan sila kagabi ay bigla na lamang nag-walk out ang binata. At simula noon ay hindi na siya makalabas-labas pa sa bahay na iyon. Bantay sarado siya ni Danny na pamangkin ni Nay Lory at ni Sep na personal bodyguard daw ng abogado.

“Nay Lory…Baka naman po pwedeng pakiusapan nyo iyong si Sep para makalabas na ako. Bakit ba naman kasi pinagbabawalan nila akong lumabas ng bahay na ito. Nay…” Umagang-umaga ay umuungot siya kay Nay Lory habang nag-uumagahan sila. Pangalawang araw at wala pa rinng nangyayari sa pakiusap niya sa tatlo na paalisin na siya roon.  

“Naku, ija. Wala akong magagawa diyan. Loyal ang mga iyan kay Jakob. Isipin mo na lang na para rin iyon sa kaligtasan mo.”

“Nay…”

Kahit anong sabihin niya kay Sep ay hindi talaga siya nilulubayan nito. Ni hindi nga siya makalabas sa bakuran man lang eh. Utos raw iyon ng abogado na huwag siyang palabasin ng bahay.  Pero paano naman ang plano niya na makapaghanap ng trabaho, ni hindi nga niya madalaw ang tiyuhin eh. Mabuti na lang kahit papaano ay nakakamusta niya ang tiyuhin at Selma gamit ang cellphone niya.

Pasalampak na umupo siya sa malambot na sofa sa sala. Inirapan niya si Sep na kakapasok lang sa loob ng bahay.

“Bakit ba ayaw nyo akong paalisin? Hindi ba illegal detention itong gingawa nyo sa akin?” himutok niya sa lalaki na napapakamot na lamang sa batok.

“Eh, ma’am. Sumusunod lang ako kay boss.”

Bumuntong hininga siya bago muling napaisip. “May paraan ba para makalabas na ako dito?”

Napaisip ang lalaki. “Meron naman po, ma’am. Kung papayagan kayo ni boss Jakob. Kung gusto nyo mam tawagan nyo nalang si Boss. Malay nyo payagan na kayo.”

“Hmmm…tama.” Napalatak siya saka tumingin sa lalaki. “Dali, tawagan mo siya ngayon.”

“Eh, mam bakit hindi kayo ang tumawag. Baka mapagalitan na naman  ako eh.”

Tinaasan niya ng kilay ang binata. Ang laki-laki ng katawan nito takot ito sa depungal na iyon? Tsk!

“Sa tingin mo ba hindi kita uutusan if may numero n’ya ako?”

Napakamot ito sa ulo. “Eh, ma’am hindi ba nobya kayo ni Sir? Eh, bakit wala kayong number n’ya? Nag-away ba kayo.”

Inirapan niya ito. “Tsimoso lang? Dali na. Tawagan mo na ‘yang depungal na boss mo.”

Nag-aalangan pa ito nang una pero tumalima rin ng pamulagatan niya ito ng mata. Nang mag-ring ang cellphone ay mabilis na lumapit siya kay Sep.

“H-hello, boss? Huh? naku…wala naman pong problema. Po? Yes boss okay lang siya. Maayos ang lagay nila ni Jacy rito. Naku palagi pong tulog. Eh, may itatanong lang po—”

Hindi na niya pinatapos si Sep, hinablot na niya ang cellphone nito saka nagtitimping kinausap si Jakob.

“Make sure they are okay and safe and—”

“Hello? Baka naman gusto mong palabasin na kami ni Jacy rito. Hindi mo ba alam na ni hindi ko mapuntahan si uncle para kamustahin na ang nangyari sa bahay namin?”

“Don’t worry about your house. We are currently fixing it up.”

Npahigpit ang hawak niya sa cellphone saka huminga ng malalim bago muling kausapin ang binata. “Jakob! Aalis na kami ni Jacy dito.”

“Huwag kang makulit, Lucy. And saan naman kayo pupunta?”

“Basta…Kila Goyo. O kay uncle. I need to go out para makahanap na ako ng trabaho.” reklamo pa niya.

When A 'Certified' Single Falls In LoveWhere stories live. Discover now