Chapter 17

403 9 0
                                    


Muntikan nang maibuga ni Lucy sa mukha ni Jakob ang iniinom na kape nang bumungad ito sa pintuan nila ala-sais pa lamang ng umaga. Gosh! Sabado ngayon at rest day niya kaya akala niya hindi niya makikita ang pagmumukha ng binata. 

“Sino yan Lucy? Si Avel ba?” Biglang sumulpot sa likuran niya sa Goyo na mukhang natulala na sa itsura ni Jakob na daig pa ang modelo sa suot na black turtle neck long sleeves na pinatungan ng brown coat paired with black jeans. Geez! Hindi ba naiinitan ang binata sa suot?

Inirapan muna niya ang tiyuhin na akala mo nakakita ng artista sa reaksiyon. Iniwanan niya ang dalawa at mabilis na dumiretso sa kusina para ipatong ang mainit na tasang hawak niya. Baka kasi madulas siya at maibuhos sa binata na ang aga aga ay naggugulo sa tahimik niyang buhay.

Ilang araw na rin kasi niyang palaging nakikita ang mukha ng binata dahil mukhang tinototoo nito ang panliligaw na sinasabi nito. Palagi siya nitong sinusundo kapag uwian. Iwasan man niya ito ay hindi niya magawa dahil mga bugaw rin ang mga katrabaho niya na halatang tinutulungan ang binata sa kanya.

Naabutan niya ang tiyuhin na todo asiste sa binata na nakaupo na sa sofa sa maliit na sala nila. Isa pa itong uncle niya nakisama pa kila Goyo sa pag-udyok sa kanya sa binata. Hindi tuloy maiwasan na lumalala ang pagtingin niya kay Jakob.

“Uncle, nasusunog na iyong ginigisa mo sa kusina.” Natataranta na tumakbo naman sa loob ng kusina ang tiyuhin niya.

Nang makaalis ang tiyuhin ay nakamapaweywang na hinarap niya ang binata. “Ano na naman ang kailangan mo, Mr. Ladesma? Paalala lang ha day off ko ngayon kaya pahinga ko ngayon sa—”

Natigilan siya nang marinig ang tahol ng isang tuta sa kanyang paanan. Kailan pa sila nagkaroon ng tuta sa bahay? Ang cute ng tuta na mayroong itim na balahibo. Ngumiti ang binata saka inilabas sa kulungan ang matabang tuta. Kinandong nito iyon saka siya binalingan. “My client gave it to me. He’s Pomeranian puppy.” nakangiting anito habang hinihimas ang tuta.

Umupo siya sa tabi ng binata at nakihimas rin sa tuta. “Halika ka nga dito…ang cute cute naman ng puppy na ito…” Hindi na siya nakatiis na binuhat niya ito saka iniharap sa mukha niya. Kumawag-kawag ang buntot nito. Napahalakhak siya nang makulit na dilaan siya nito sa pisngi.

Noon pa man ay mahilig na talaga siya sa mga aso hindi lang siya makabili-bili ng tuta dahil may kamahalan rin ang breed na gusto niya. Puro mga aso nga ang alam ata ng newsfeed niya sa social media eh.

“But the problem is I have no time for it.” Ipinatong niya sa hita ang tuta saka masamang tiningnan ang katabi.

“So? Anong balak mo sa cute na ito? Hindi mo na dapat tinanggap kung hindi mo naman pala kayang alagaan.”

Lumabi muna ito bago may kinang sa mga matang nakatingin sa kanya. “Can you look for him?”

Bumagsak ang ngiti niya sa sinabi nito. “Hindi. Hindi pwede.” may diin na pagkakasabi niya.

“I already contacted its vet. and the dog clinic for him. Wala kang proproblemahin. I’ll provide for him. If you want, I can provide for you also.” malawak na ngiti na wika ng binata.

HInampas niya ito sa braso. “Sira ka talaga. Okay.” aniya saka muling niyakap ang tuta.

“Payag ka na?”

When A 'Certified' Single Falls In LoveOnde as histórias ganham vida. Descobre agora