Chapter 28

361 10 0
                                    

Nakangiti pa si Lucy habang kumakaway sa tiyuhin at kay Avel na papaalis na.

"Bye uncle at Avel." Pahabol pa niya.

Nang masiguradong nakalayo na ang dalawa ay mabilis na nawala ang ngiti sa mga labi niya at napalitan ng simangot. Matalim niyang tiningnan ang katabi saka pahablot na inagaw ang aso na saying-saya sa braso nito. Kinuha niya ang maleta at walang imik na tinalikuran ito.

"Lucy! Where the fuck you're going?" pasigaw na tanong ng binata.

Humarap siya rito saka buong tapang na sinagot ang walang kwenta na tanong nito. "Hindi ako sasama sayo. Kaya ko ang sarili ko. Goodbye." 'Yon lang at tinalikuran na niya ito. Pahabol siya nitong sinundad at tinawag kaso tumunog ang cellphone nito.

Sinamantala niya ang pagkakataon na pumara at sumakay sa taxi nang busy ang binata sa pakikipag-usap sa telepono nito.

"Lucy!" Rinig pa niyang tawag ng binata na nakatayo at nakatanaw sa sasakyan at na sa tainga ang cellphone.

Bahala ito sa buhay nito. Afterall hindi na mana sila related. Saka nasisiraan na ba ng pag-iisip ang binata para tulungan ang ex nito eh alam naman nito na mayroon na itong Tamara. Ano siya third wheel sa relasyon ng mga ito? Geez! Masaya sila!

Makalipas ng ilang oras nagpababa siya sa mumurahin na hotel na alam niya at pabagsak na humiga sa kama. Pang-isang linggo na lamang ang pera niyang natitira. Mahal pa naman ang hotel sa syudad. Kailangan na niyang makahanap ng matutuluyan bukas ang kaso hindi niya alam kung saan. Sa isang linggo pa ang uwi nila Pamona at Goyo. Si Erys naman ay na sa bakasyon kasama ang asawa at baby nito sa Boracay. Maliban sa tatlo ay wala na siyang ibang pwedeng matuluyan dahil karamihan sa mga kakilala niya ay pulos naka-boarding space lamang.

Napabuntong hininga siya bago ipinikit ang mga mata. Kailangan na niyang magpahinga para bukas ay makaisip siya ng solusyon sa problema niya.

***

Halos sumabog na sa inis si Lucy dahil sa sunod-sunod na kamalasan ang nagyayari sa kanya. Hindi niya akalain na sa dalawampo't tatlong taon niyang nabubuhay sa mundo ay mararanasan niya na mabitbit sa presento.

Ni hindi niya nasundan ang bilis ng pangyayari kanina ng nasa kalapit siyang boutique. Kakalabas lang niya sa tinuluyan na hotel. Hila-hila pa niya ang maliit na maleta nang makaramdam siya ng pagod at init kaya naman ay kunwa'y pumasok siya sa isang boutique na nadaanan at doon siya nagpalamig at nagpahinga.

Ang kaso naglumikot si Jacy na nakaalpas sa tali. Nagtatakbo ang aso sa loob hanggang sa nasanggi nito ang stand na may nakapatong na isang authentic flower vase roon. Bukod doon ay may nginatngat din nito na laylayan ng dress na naka-display. Galit na galit ang manager ng store at pinilit siyang bayaran ang mga nasira ang kaso anong ipambabayad niya? Ni wala nga siyang sapat na perang pang-upa ng boarding house, pambayad pa kaya? At saka s'an naman siya kukuha ng ganoong kalaking halaga eh, nasa sampong libo lamang ang pera niya.

Pinakiusapan niya ang manager kaso nuknukan ng sungit, ni hindi ito nakikinig sa pakiusap niya. Kaya ayon ang bagsak nila? Sa kalapit na present kasama si Jacy na mahimbing na natutulog sa hita niya.

Ang cute lang talaga ng aso. Matapos makasira at ipahamak siya ay may gana pa talagang tulugan siya!

"Yes. Yes. Yes, Officer. And she doesn't want to pay!" naghuhurementadong wika ng manager na katapat niya lang upuan.

Palihim na inirapan niya ito. "Excuse me, ma'am. Ang sabi ko po ay hindi ko siya kayang bayaran ng buo ngayong araw dahil nasunugan lang kami. Sampong libo lamang ang pera ko rito." paliwanag niya.

"Hay, Naku! Modos nyo na iyan. Hindi ako sayo naniniwala. Basta kailangan mong bayaran iyon. Tapos!"

Anong modos ang pinagsasabi nito? Mukha ba siyang budol-budol gang?

When A 'Certified' Single Falls In LoveWhere stories live. Discover now