Chapter 10

446 16 2
                                    

Sa wakas ay nakauwi na rin si Lucy sa bahay ng tiyuhin matapos ang tatlong araw na pahinga sa kanilang probinsya. Bukas ay papasok na siya sa restaurant. Sa ngayon ay nagkakandaugaga siya sa pagbabanlaw ng mga na-ipon na damit niya.

“Sandali lang!” sigaw niya sa kumakatok sa kanilang pintuan.

Wala ang tiyuhin niya ngayon na ayaw sa kanyang sabihin kung saan ang lakad nito. Gayunpaman ay may hinala na siya na magkasama ito at si Avel.

“Anong kai— Anong ginagawa mo dito!?” gulantang na tanong niya kay Jakob na dinaig pa ang artista sa pormahan.

“Hi…” bati nito bago tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay nila.

Napakurap kurap siya. “Te-ka...”

Naguguluhan na sinundan niya ng tingin ang binata na ngayon ay prente nang nakaupo sa kanilang sofa habang nanunuod ng tv. Nakapameywang na tumayo siya sa harapan ng tv saka matalim na tinitigan ang binata.

“Excuse me? bakit ka nga ulit nandito?”

Tinanggal ng binata ang suot na aviator at brown leather jacket na suot saka siya tamad na binalingan.

“Should it be that you offer me some water, first?”

Napalatak siya sa sinabi nito. “Aba’t— wait, bakit bisita ba kita? The last time I check ay trespassing ka dito.”

Tumayo ang binata na s’yang ikina-atras niya. And somewhat ay nailing siya sa ayos nilang ilang hakbang na lang siguro ay lalapat na ang katawan nito sa kanya. Pinasadahan ng mga mata  nito ang suot niya saka napailing.

Mabilis na tinakpan niya ng kamay ang maluwang na gray t-shirt na basa ang dulo at cotton short na suot. Hindi pa man siya nakakapagreklamo ay nandilim na ang paningin dahil sa leather jackey nitong ipinatong sa mukha niya.

“Don’t worry. You’re not even sexy.” maangas na anito bago niya narinig ang mga yabag nito paupo muli sa sofa.

Naiinis na ibinato niya pabalik ang jacket nito. “Tsk! Yabang.” aniya saka nakasimangot na iniwanan ang binata.

Bahala ito roon.

Muli niyang binalikan ang mga damit na isasampay na lamang niya sa likod bahay. Since mukhang at home na at home ang kumag ay hindi na niya e-entertain ito since mukhang wala naman siyang mapapala rito kahit na bigyan pa siya ng award na best in hospitality.

Bubuhatin na sana niya ang pangalawa’t huling basket ng may nauna nang bumuhat roon.

“Hoy, teka lang…” nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa binata habang buhat-buhat ang may kabigatan na basket.

“Teka nga. Anong ginagawa mo diyan? Ako na lang d’yan. Bumalik ka na nga roon sa sala.” Pilit niyang inagaw ang hawak nitong t-shirt niya pero mukhang desidido ata ang lalaki na isampay iyon.

Kumuha ito ng hanger at ito mismo ang nagsampay ng damit niya saka muling kumuha ng basang damit. JUsko!! Mabuti na lang at nauna na niyang nasampay ang mga undergarments niya. Kung hindi… Hindi niya maimagine ang scene nila kung hawak nito ang mga undergarments niya.

Juskooopooo!!!!

“Hey, bitawan mo nga iyan. Baka mabasa pa ang damit mo.” Saway niya sa binata na ayaw paawat.
Wala tuloy siyang magawa kung hindi ang hayaan ang baliw na binata. Nakitulong na lang din siya sa ginagawa nito na dapat ay siya ang gumagawa. 

At dahil hindi siya sanay na tahimik ito ay siya na ang nanguna sa pag-uusisa sa binata na gusto niyang tawanan sa pagkaseryoso sa ginagawa.

“So? Anong meron? Bakit ka andito?”

When A 'Certified' Single Falls In LoveWhere stories live. Discover now