Chapter 22

397 9 0
                                    

Nakailang tanong na si Lucy kay Jakob kung saan sila pupunta pero kahit anong pangungulit ay hindi pa rin siya nito sinasagot.

Day off niya ngayon kaya maaga pa lamang ay na sa bahay na nila ang binata para ikutsaba na naman ang tiyuhin niya sa lakad nila ngayon. Tulog pa nga siya nang dumating ito sa bahay nila para bulabugin ang tulog niya para sa out of town na trip ng binata.

“Hon? May shift ako bukas ha.” paalala niya sa binata.

“I know, hon. Pero pinagpaalam na kita kay Spencer.”

Napatuwid siya ng upo saka tiningnan ang binata na may malawak na ngiti sa mukha. “Ladesma! At talagang hindi ko alam ha. Sa’n ba tayo pupunta at kailangan ko pang umabsent bukas?”

“Stop asking. Sleep first. Para medyo makabawi ka sa tulog. Here.” Iniabot nito sa kanya ang eyepatch at isang pillow para sa leeg niya. At talagang prepared na prepared ang binata ha. 

“Sa’n muna tayo pupunta? Itatanan mo na ba ako katulad sa mga novel na nababasa ko?” Biro pa niya rito habang inaayos ang sinusuot ang eyepatch.

“Sweety kung itatanan kita ay matagal ko nang ginawa pero alam ko naman na baka magwala ka kapag itinanan kita kaya saka na lang siguro ‘yang tanan-tanan na iyan.” Palihim na inirapan niya ito bago isiuot ang eyepatch.

Buong biyahe ay tulog siya dahil na rin sa pagod at puyat sa trabaho. Nang tumigil ang sasakyan ay napasimangot siya dahil kulang pa rin ang tulog niya. Busangot na bumaba siya sa kotse nito nang makarating sa villa na pagmamay-ari ng pinsan nitong si Air. 

“Stop pouting. Look.” Hinawakan nito ang balikat niya at iginaya para makita ang itsura ng kabuuhan ng villa.

Napawi ang init ng ulo niya nang makita kung gaano kaganda ang lugar. It’s a private beach with the villa with the modern design. Nakatayo ang villa sa mapunong bahagi ng lugar. Maganda at tahimik ang buong lugar napaka-solemn nito. It looks like a paradise with the greenish crystal-like salt water surrounded with mountains.

“K-Kanino ito? Ang ganda.” masayang tanong niya sa binata na iginagaya na siya papunta sa villa.

“Sa pinsan ko. He brought it for his TOTGA.”

“TOTGA?”

“The one that got away. But, don’t get excited too much. May ipapakita pa ako sayo mamaya.”

May sumalubong sa kanilang matandang lalaki at babae sa loob ng villa na halos lahat ata ng gamit ay may touched ng kulay green.

“Bakit puro kulay green?” bulong niya sa binata habang inaayos ang mga gamit niya sa magiging kuwarto niya.

“I don’t know the details. But I think it’s the favorite color of his TOTGA.”

“Ahhhh. Kaya pala.”

“I’ll just bring my things in the other room. Then, baba na rin tayo para kumain. Nay Lourdes cooked something for us.” Tumango-tango lamang siya bago humilata sa kama. Natutuwa siya dahil alam din ni Jakob na hindi pa siya handa para makatabi ito sa pagtulog. Natutuwa siya dahil ang laki ng respeto sa kaniya nito.

Mukhang pinghandaan talaga ang pagdating nila dahil maraming nakahaing pagkain sa lamesa. Pagkakita sa mga pagkain ay automatiko na kumalam ang tiyan niya.

Magaang kausap ang mag-asawa na syang tagapag-alaga ng villa. Tumulong na rin siya sa pagliligpit ng mga kinainan nila habang kausap ni Jakob si Tay Cardo sa labas. Mukhang may pinag-uusapan kasi ang mga ito tungkol sa lugar na ipapakita raw sa kanya ng binata.

Alas-dos ng hapon ay hinatak na siya ni Jakob papasok sa kagubatan para puntahan ang sinasabi nitong ilog.

“Come on, Hon.” Gusto niyang batukan ang binata sa paghila sa kanya nito basta-basta lalo pat nakashort lamang siya.

When A 'Certified' Single Falls In LoveМесто, где живут истории. Откройте их для себя