Chapter 11

418 13 0
                                    

Nang matapos kumain ng tanghalian ay umalis na rin si Jakob dahil muli itong tinawagan ng assistant nito. Next time na lang siguro si Lucy mag-uusisa sa binata ng kung ano-ano.

“Lucy, na-iwan ni Attorney Ladesma yung wallet niya. Baka kailanganin niya ito.” Iniabot sa kanya ng tiyuhin ang black leather wallet ng binata na nahulog sa gilid ng sofa nila sa sala.

“Paano naman niya maiiwan dito iyan, eh, hindi ko naman napansin na inilabas niya iyan.” Nagdududang tanong niya.

“Hay, naku…baka naihulog niya iyan dahil sa sahig ko napulot. Hala, magbihis ka at ibalik mo iyan sa kanya.”

Wala na siyang nagawa kung hindi sundin ang tiyuhin. Nagpalit lang siya ng simpleng jeans at sleeveless white top matapos ay dinampot na niya ang backpack. Pero ang problema niya ay hindi niya alam kung saang lupalop mahahagilap ang binata.

Habang naghihintay ng sasakyan ay tinawagan niya si Attorney Ray na tanging kaibigan ng binata na may numero siya bukod sa boss niya.

“Hey?” bungad ng abogado.

“Good afternoon attorney, pasensya na sa istorbo itatanong ko lang sana kasi kung alam nyo kung na saan si Att. Ladesma ngayon. May ibabalik lang po sana ako eh.”

“Yeah. Nasa law firm siya ngayon. Wait I’ll send you the address. Sabihan ko na rin siya.”

“Thank you, attorney.”

Napangiti siya nang matanggap na ang address kung na saan ang binata. Wala pang trenta minutos ay nakarating na rin siya sa may kataasan na building ng Ladesma & Montecarlo’s Law firm. Big time talaga ang binata, ang balita niya kasi ay sila ni Raymond ang nagmamay-ari ng law firm na itinayo isang taon matapos nilang grumaduate sa amerika. At dahil nga sikat ang dalawang binata na nag-top sa exam at sa mga kasong naipapanalo nito ay wala pang ilang buwan ng lumaki ng lumaki ang law firm.

Nasa lobby pa lang siya ay hinarang na siya ng attendant na kung makatingin ay parang magnanakaw siya sa loob.

“Sorry, miss pero hindi ka pwedeng umakyat sa office ni attorney Ladesma kung wala kang appointment.”

“Huh? eh, saglit lang naman ako, miss eh. May ibibigay lang talaga ako. Kilala n’ya ako promise.” Pilit niya sa babae na muli siyang hinarangan.

“Sorry talaga miss. Bumalik na lang kayo kapag may appointment ka na.”

Muntikan na niyang mairapan ang itchuserang babae. Ayaw talaga siya nitong paniwalaan. Pigil ang inis na hinarap niya ito.

“Look miss. Kilala niya talaga ako. Itanong mo pa sa kanya.”

“Eh, hindi talaga pwedeng abalahin si Attorney ngayon. Umalis kana kung hindi tatawag na ako ng security.” Napangiti siya ng mapait sa babaeng plakada ang kilay. Bakit ba ayaw nitong maniwala sa kanya?

Hindi naman pwedeng umuwi siya ng hindi naibabalik ang wallet ng binata. Ano pang silbi ng effort niya na hanapin ang binata? Aba! sayang ang pera, pawis, at pagod niya noh. Wala siyang nagawa kung hindi talikuran ang babaeng sinasampal na niya sa isip. Imbis ay kinuha niya ang cellphone saka muling tinawagan si Attorney Ray. Kaysa naman kasi umuwi siya ng hindi nagagawa ang pakay niya doon.

When A 'Certified' Single Falls In LoveWhere stories live. Discover now