Chapter 33

417 10 0
                                    

Malapit nang sumabog sa inis si Lucy habang tinititigan ang walang tao na opisina ni Jakob. Sinuot pa naman niya ang pangmalakasan na corporate attire niya tapos ending tutunganga lang pala sa loob ng opisina ng depungal.

Matapos kasi ang ilang araw na pamimilit at pangungulit niya sa binata para makapaghanap siya ng trabaho ay pumayag na rin ito kagabi sa isang kondisyon, sa opisina siya nito magtratrabaho. So, dahil wala namang siyang choice ay pumayag na siya. Excited pa naman siya kagabi pa lamang. Nagmake-up make up pa siya tapos ending tatambay lang pala siya roon.

Ni hindi nagtagal ang binata sa opisina nito dahil nagbilin lang ito kay Chan tapos iniwanan na siya roon. Mukhang nakalimutan pa nga ito na may kasama ito roon. Ang depungal na iyon hanggang ngayon ay hindi sinasagot ang tawag niya. Eh, hapon na. Mag-ou-out na lamang sila ay wala pa rin siyang naiaambag man lang sa opisina nito. Ang ginawa lang niya maghapon ay tumunganga, mag-ikot ikot na parang boss doon, at saka kumain ng kumain.

Nabuhayan siya ng loob nang makita si Jakob, Ray at Chan na naglalakad sa hallway. Dali-dali siyang tumakbo papalapit sa puwesto ng tatlo kahit pa nga naka-heels pa siya.

“Jakob!”

Nag-aalalang sinalubong siya nito saka hinawakan ang beywang niya nang muntikan na siyang mapasubsob sa sahig kakamadali. “Be careful.”

Nang makabawi ay tumayo siya ng tuwid at sinamaan ng tingin ang binata. “You know what…you… you…naiinis na ako sayo. Excited pa naman ako ngayong araw sa first day of work ko. Nakita mo.” inimuwestra niya ang suot na bestida saka nakaayos na buhok.

“You see? Nag-ayos ayos pa ako tapos maghapon mol ang ako pagtatambayin sa opisina mon a nakakabaliw sa sobrang tahimik. Kung alam ko lang na iiwan mol ang ako dito edi dapat hindi na ako sumama sa iyo. Sayang ang attire ko at make up!” pagmamaktol niya sa binata na amused na amused pang nakatingin sa kanya.

“Muling lumapit ito saka hinaplos ang pisngi niya. “Yeah. You’re beautiful today.” Narinig niya ang tawa at hagihikan ng mga staff na nakarinig dito.

Sinamaan niya ito ng tingin saka tinabig ang kamay nito. “Don’t me hmp! At sa’n ka naman pupunta?”

Sinenyasan muna nito sila Ray at Chan na giliw na giliw sa panunuod sa kanilang dalawa. Nang makaalis ang dalawa ay muli siyang binalangan nito. “There’s an emergency. We’ll have a meeting now.”

“Eh? Sama ako.” malawak ang ngiti na aniya habang inaayos ang nagusot na coat at bestida.

“Nope.” Napairap siya sa sagot ng binata.

“Eh, anong gagawin ko dito?”

Lumapit ito saka kinulong ang mukha niya sa dalawang kamay nito saka siya tinitigan sa mga mata. “A-Ano b-ba—” utal-utal na aniya.

“We need to go back in Singapore. I need you to wait for me after. We’ll put an end to this then I’ll be back to talk with you. Promise me, you’ll wait for me.” seryosong anito.

Kumunot ang noo niya. Bigla siyang kinutuban sa pinagsasabi ng binata sa kanya. “Ano ba talaga nangyayari?”

Ngumiti ito saka hinaplos ang pisngi niya. Naramdaman niya ang pnagungulila sa isa’t isa hindi niya alam pero bigla na lamang nag-init ang mga mata  niya. “Nothing. I’ll call Sep and Tamara to send you home.”

“Huh? Hindi ba pwedeng sumama ako sa inyo? ‘di ba assistant mo naman ako? Don’t worry my passport ako.”

Matagal na siyang may passport ‘yong mga panahon na baliw na baliw siya sa binata at binalak pa niyang hanapin ito at si Ms. Tamara sa Singapore. Pero hindi rin naman niya iyon na gamit dahil nahimasmasan rin siya matapos nga matanggap iyong break-up message ng binata sa kanya.

When A 'Certified' Single Falls In LoveWhere stories live. Discover now