CHAPTER 32

14 2 0
                                    

"My Mom and Dad will visit us soon."


Nabilaukan ako sa kinakain kong tinapay dahil sa sinabi niya, wala man lang warning?! Talagang deretso ganoon?!


"Grabe, wala ka man lang pa warning?" Tanong ko pagka inom ko ng tubig. "Hindi mo man lang sinabi na, 'may sasabihin ako, makinig kang mabuti' o 'di kaya 'alam mo ba'?"


"Do I need to say those things?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Syempre! Nambibigla ka e! Buti nga hindi ako nahulog dito sa kinauupuan ko."


Natatawa niyang ginulo ang buhok ko. "You've been reading too much," binelatan ko lang siya na lalo niyang ikinatawa.


Narito kami ngayon sa sala nila nag aalmusal, mukhang natutulog na si Sab sa taas dahil hindi na bumaba ulit. Nag kwentuhan lang kami ng mga nangyari nung pinasok niya bigla 'yung topic na 'yon.


"So makakasama niyo sila ni Sab sa bagong taon?"

Tumango siya, "yep, my only problem is Sab. I don't know if she will like the idea of celebrating with Dad."


"Baka naman gusto niya rin, alam mo naman 'yan si Sabrina, hindi showy pagdating sa Daddy niyo pero marupok naman 'yun." Natatawa kong sabi.


"I doubt that, hindi siya katulad mo." Balik niya sa 'kin.


"Aba!" Aambahan ko sana siya nang bigla siyang tumayo at tumakbo palayo. Hinabol ko siya palabas, hanggang sa garden nila nag habulan na kami. "Isa Lucas Anthony hindi ka titigil?!"


Bigla siyang tumigil at mabilis na lumapit sa 'kin, mabilis siyang yumakap sa baywang ko at binaon ang mukha niya sa leeg ko.


"I'm just kidding baby," he murmured and kissed my neck. I flinched because of what he did making him giggle.


"Sino marupok ngayon ha?" Mahina ko siyang hinampas sa likod.


"Ako. Lagi akong marupok sa 'yo," bulong niya habang yakap yakap pa rin ako. Napahiwalay lang kami nang may tumikhim, sabay kaming napa angat ng tingin kay Sab na nakalabas ang ulo sa bintana niya.



"Malandi kayo, nasa gate na raw sila Tita, Kuya." Aniya bago sinara ulit ang bintana habang nag tatanggal ng tuwalya sa buhok. Gulat naman akong napatingin kay Lucas.


"Ngayon sila darating?!" What the?!


"Baby relax, papakilala lang naman kita. Dahil narito ka nalang din naman, akala ko kasi bukas ka pa, so.."


Parang nag panic lahat ng cells ko sa katawan sa sinabi niya. Lalo pa nang makarinig kami ng tumigil na sasakyan sa labas ng bahay. Iginiya ako ni Lucas para abangan namin sa gate ang pag pasok ng magulang niya.



Ngiting ngiti na bumaba si Tita Tessa habang hindi ko na maintindihan ang pakiramdam ko. Feeling ko natatae ako o naiihi o nasusuka, it's like the first time all over again.


"Oh my gosh! Erika!" Tili nito at dali daling lumapit sa 'kin at binigyan ako ng mahigpit na yakap. Tinulak niya pa palayo si Lucas. "How are you sweetie? It's been a long time."


I hugged her back. "I'm okay Tita, kayo po?"


"I'm very much fine, you look radiant!" She exclaimed.


Nahihiya akong ngumiti. "You look radiant as well Tita."


She giggled. "Well, we're beautiful."


September (Seasons of Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon