CHAPTER 23

18 1 0
                                    

"Tita-Ninang!"


Napalingon ako sa napaka cute na batang babae na tumawag sa 'kin. Nag lalakad lakad lang ako sa mall dahil wala naman akong trabaho ngayon, at napaka init sa bahay at tanghaling tapat.


"Baby girl! Sino kasama mo?" Tanong ko pagkatapos ko siyang halikan sa pisngi.


"Si Tita-Mommy po, kasama po ni Mommy si Daddy e." Nag sway pa siya na para bang pinapagalaw niya ang dress niya.


"Oh? Nasaan si Sab?" Tanong ko, si Sabrina ang sinasabi niyang Tita-Mommy.


Tinuro niya ang osh-kosh. "Kasama po si Kale." Nakita ko ang pagka aligaga ni Sabrina, mukhang hindi napansin na wala na si Laurel sa tabi niya. Hinila ko naman agad siya pabalik kay Sab, nakahinga naman siya ng maluwag nang makita ako.


"Akala ko nawala na! Wala akong ipapalit sa mga 'yan!" Stress niyang sabi.


"Tita-Mommy this one nalang po." Pinakita ni Kale kay Sabrina ang t-shirt na may design na kotse.


"Bakita ba ikaw kasama nito?" Tanong ko bago buhatin si Laurel. "Nasaan nanay nito?"



"Tita-Ninang kasama nga po ni Daddy." Sabat ni Laurel habang nilalaro ang buhok ko.


"Bakit sa 'yo iniwan? Ba't hindi sa 'kin?" Tanong ko kay Sab.


"Mas katiwa-tiwala kasi ako kaysa sa 'yo." Mayabang niyang sagot.



"Desisyon ka girl?" Pikon kong sabi na ikinatawa lang niya.


"Hi Tita-Ninang, wala po kayo work?" Tanong ni Kale na nakatingala sa 'kin. Malapit na ito mag 4 years old pero mga fluent na mag salita, samantalang ako bulol pa ako sa edad kong 'yan.


"Wala baby, today is saturday e."


"Si Tita-Mommy po may pasok daw later kaya dadalhin daw po niya kami kay Tita-Pretty." Pag dadaldal ni Laurel. Kung ano ano pa ang dinadaldal niya, pinapakinggan ko lang siya habang kasama ni Sab si Kale.



"May pasok ka nanaman? Sino nanaman cover mo?" Tanong ko kay Sab nang maupo muna sila habang hinihintay ang size ng sapatos na gusto ni Laurel.


"Oo girl, road to MD na kasi sis, tapos may mga hindi pumapasok kaya no choice so kayod lang kahit dapat wala akong duty." Hindi ko napigilan mapangiti, nakaka proud na malapit na maging doctor si Sab.


"Saan ka namang hospital ngayon?" Tanong ko sakaniya.


She shrugged. "Hindi ko pa alam."


Nakipag kulitan lang ako sa dalawang 'to na mukhang nauto nanaman si Sabrina. Well, Sabrina doesn't mind, sa sobrang hilig sa ba naman niyan sa bata. Tinatalian ko si Laurel nang may mag text sa 'kin, tinapos ko muna ang pag tatali sakaniya bago tignan kung sino 'yon.



From: Cristian the CPA
Yow, nasaan ka? I need my stress absorber.


To: Cristian the CPA
Ayan, diyan ka magaling. Makaka alala kapag stress na.

From: Cristian the CPA
Lol. Nasaan ka nga?


Nag type na 'ko ng sagot ko sakaniya kaso mukhang hindi makapag hintay kaya tumawag bigla. Napindot ko tuloy 'yung decline, agad naman siyang nag text.


From: Cristian the CPA
Bakit mo binaba? 😤

Natawa naman ako sakaniya, hinintay ko nalang siyang tumawag ulit dahil baka mapindot ko nanaman ang decline kapag nag type ako ng reply. At hindi nga ako nagkamali, maya maya lang tumatawag na siya ulit.


September (Seasons of Love Series #1)Where stories live. Discover now