CHAPTER 20

16 1 0
                                    

Tatlong linggo na ang nakakalipas, tatlong linggo nang hindi nagpaparamdam si Lucas, hindi rin alam ni Sab kung nasaan siya. Pagkatapos sabihin ng Daddy niya na mag impake na siya ay hinila na niya ako palabas, wala na kaming naging imikan pagkatapos no'n. Hinatid niya lang kami at umalis na rin agad.



Tinanong pa 'ko ni Sab, agad ko rin naman pinaliwanag sakaniya ang nangyari. Pina kalma niya lang ako at sinabing mag tiwala kay Lucas. Alam ko naman na aalis pa rin siya pero hindi sa ganitong paraan. Hindi ganito kaaga, after graduation pa dapat siya aalis tulad ng pinag usapan namin.


"Wala pa rin?" Tanong niya habang nag papahinga kami sa practice ng graduation namin. Umiling lang ako sakaniya habang umiinom ng tubig, kahit na aircon sa auditorium feeling ko uhaw na uhaw ako sa dami namin.



"Ayos ka lang 'te? Namumutla ka," puna ni Hailee kay Aika.


"Ayos lang, hindi lang ako nakatulog ayos." Tumabi lang siya sa 'kin habang nag hihintay kaming tawagin ulit.



"Okay! Last na guys!" Sigaw ng prof namin.


Pagkatapos ng isang pasada ay lumabas na kami para tumambay sa bahay nila Aika, these past few weeks lagi kaming nasa bahay nila naka tambay dahil medyo pinag higpitan siya ni tita sa hindi namin malaman na dahilan.


"Wait, naiwan ko pala 'yung invitation ko kay Andrei. Una na kayo, hahanapin ko pa 'yun, sunod ako!" Pag papa alam ko sakanila nang mapansin kong wala sa bag ko ang invitation namin sa graduation. Pina hawak ko nga pala sa classmate namin.


Palabas na 'ko ulit sa audi nang may matanaw akong papalapit sa 'kin. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng kulay sa mukha, hinintay ko lang na makalapit sa 'kin ang Daddy ni Lucas.


Binigyan niya ako ng tipid na ngiti nang nasa harap ko na siya. "Good afternoon Miss Cañete," nakipag kamay siya sa 'kin na agad kong tinanggap.


"Erika nalang po," binawi ko rin ang kamay ko dahil sa hiya na baka maramdaman niyang basa na sa kaba ang mga kamay ko.


"Well, Erika. Can I invite you for a coffee?" He asked. I was hesitant at first but I knew from the very beginning that he needs something from me. I just found myself sitting in front of him on a coffee shop.


"Ano po ba ang pag uusapan natin?" Deretso kong tanong sakaniya. Hindi na ako nagulat na nakaka intindi siya ng tagalog.



"Make my son leave." Inaasahan ko nang sasabihin niya 'yun pero hindi ko in-expect na ganito 'yung pakiramdam.


"Bakit po ako? Bakit hindi niyo po ba siya kayang paalisin sa Pilipinas?" I hope I don't sound rude, kahit na nakaka bwisit ang mukha niya, siya pa rin ang tatay ng bestfriend at boyfriend ko.


"He doesn't want to leave, because of Sabrina—"


"Hindi ko na po kasalanan 'yun, kung gusto niya makasama ang kapatid niya—"


"— and you." Natigilan ako sa sinabi niya.


Hindi ko makita kung binibiro niya lang ba 'ko o ano. Joke time ba 'to? Imposible, napag usapan na namin ni Lucas na aalis siya after graduation namin. Kahit ldr kami ayos lang, napag usapan na namin 'yun.


"Sorry sir, pero, napag usapan na namin 'to. He will leave after graduation—"


"—that's the point, he doesn't want to do that anymore. He wants to work here instead, but I don't want that for my son. He doesn't have a bright future here, his life is with us in the US." Matiim itong tumingin sa 'kin na para bang nag mamakaawa na isalba ang anak niya sa kinabukasan nito.


September (Seasons of Love Series #1)Where stories live. Discover now