CHAPTER 6

18 2 1
                                    

Nagising ako sa lakas ng alarm ko, ano ba naman kasing alarm ng ios 'to akala mo namang wala nang bukas lagi sa lakas ng tunog. Inis kong kinuha ang cellphone ko sa table at pinatay ang alarm, sabado nga pala ngayon at nakalimutan kong tanggalin 'yung alarm


Papikit na sana ko ulit nang tumunog nanaman ang cellphone ko, pero this time may tumatawag naman. Makakapatay ata ako ng istorbo. Sinagot ko ang tawag kahit hindi ko pa nakikita sino 'yun.


"Ano? Sabado ngayon, 'wag kang istorbo."


[Hindi mo bubuksan pinto?]


Napabalikwas ako ng tayo dahil sa boses ni Sab, nakaka kilabot pa sa multo 'to e. "Saglit lang! Wait huhu, eto na bababa na."


Wala kasi sila Mommy ngayon e, pinuntahan nila si Papa kaya naiwan ako mag isa rito. Hindi naman ako puwede sumama dahil mami-miss ko ang kasal ni Aika. Baka gerahin pa 'ko ng mga 'yun kapag nawala ako sa araw na pinaka pinag hahandaan naming lahat. Pagkabukas ko ng pinto ay naroon ang tatlong bruha mga nakabusangot sa labas ng gate.


"Ba't naman kasi ang aga niyo rito ha? Sabadong sabado e." Reklamo ko sakanila habang binubuksan ang gate.


"Baka lang naman nakakalimutan mong may food tasting tayo ngayon ano ho," sambit ni Aika nang makapasok na sila.


"Nasaan ba kasi future hubby mo ha, 'di ba dapat siya kasama mo ngayon?" Reklamo ko pa rin habang inaayos ang pagkakatali ng buhok ko.


"Inaasikaso na niya ang venue, invitations, reception and everything, so iniwan niya na sa 'kin ang food tasting kasi may tiwala raw siya sa mga taste buds niyo." Umupo na sila sa sala habang kumukuha ako ng tubig, pag balik ko ay nanonood na ng netflix si Sab at busy sa cellphone sila Hailee at Aika.


Iniwan ko nalang sila at umakyat na sa kuwarto ko para maligo bago pa 'ko bulyawan ng mga 'yun dahil sa bagal kong kumilos. Mas mabagal pa rin si Hailee. Ito na ata ang pinaka mabilis na ligong nagawa ko, nag suot nalang ako ng white off shoulder na may design na blue flowers, pinaresan ko ng fitted maong pants at flat out mule sandals. Nag bun nalang ako para mas mabilis dahil pag nag kulot pa 'ko feeling ko aakyatin na 'ko ng mga 'yun.


"Eka ano na!" At ayan na nga po sila.


"Eto na!" Sigaw ko pabalik. Patakbo na akong bumaba na halos magkanda dapa dapa pa 'ko.


"Anong mayroon sa white?" Natatawang tanong ni Hailee. Nagka tinginan kaming lahat at natawa, lahat kami ay naka white ngayon.


"Practice lang sa kasal ni Aika." Sambit ni Sab.


Umalis na rin kami agad para hindi na kami maabutan ng traffic. Mamaya niyan banas banas nanaman 'yang si Sab, dahil siya ang driver namin ngayon. Kaniya kaniya kami ng ginagawa ngayon sa kotse, busy si Hailee sa harap kakasagot ng emails, si Aika naman busy sa kaka kausap sa mga planner nila at ako naman busy lang sa pag tanaw sa labas. Natigilan kaming lahat dahil may tumawag kay Sab.


"Hello, Sabrina Guevarra speaking."


{Hindi naka save number ko?} Literal ata akong tumigil sa pag hinga sa narinig ko, napalingon sa 'kin si Aika habang patay malisya lang si Hailee.


"Oh, sorry hindi ko tinignan sino tumawag. I'm driving, why did you call?"


{Kita tayo, where you at miss?} Shet. ang guwapo pa rin ng boses. Gusto ko batukan sarili ko sa pinag sasasabi ko.


"Kita tayo sa tagaytay, we're on our way." Hinila ko ang buhok ni Sab, buti nalang red light pero ngumisi lang siya. Napaka traydor mo talaga Sabrina!


September (Seasons of Love Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن