CHAPTER 13

10 1 0
                                    

"Nakakahiya talaga! Saaaaab! Anong gagawin ko?!"

Iritang lumayo sa 'kin si Sab. "Sino ba may sabing mag tatatakbo ka paalis? Isa't kalahati ka rin e."


Narito ako ngayon sa bahay nila, pagkatapos ng nangyari kanina ay bigla nalang ako kumaripas ng takbo. Walang lingon lingon, dito ko nalang nakita ang sarili ko sa bahay nila Sab, at nag wawala sa kuwarto niya sa sobrang kahihiyan.


"E kasi naman e! Kasalanan niya 'yon!"

"Yeah, try to convince yourself. Go ahead." Walang kwenta niyang sagot habang pumipindot sa laptop niya. "Sa taas ng building, sniper ata gamit ng mga gago."


Napairap nalang ako, naglalaro nanaman siya. "Bakit naman kasi bigla siyang mag sasabi ng gano'n? Scammer naman kapatid mo e! Sabi hindi pa nagkaka jowa, mukha namang hustler na sa kalandian!"

"Parang ikaw?" Humarap siya bigla dahil tapos na rin sya mag laro.


"Noon 'yon!" Pagtatanggol ko sa sarili ko.


"Wow, maka noon akala mong ilang taon na nag daan. Bilib din ako sa moving on process mo e, mabilis ka pa sa camera ng dispatch." Sabay irap bago tumayo para kumuha ng chips.


"Dispatch? Ano 'yon?"


"Some Korean paparazzi emerut," sumalampak siya bigla sa kama niya.


"Mga nalalaman mo," binato ko sakaniya ang isa sa napakarami niyang unan.


"Ikaw nga riyan nananakbo porket sinabihan ng Kuya ko na siya jowa mo," ganti niya habang may nakaka asar na ngiti.


Bingasak ko ang sarili ko sa kama niya, feeling ko sumasakit ang ulo ko sa nangyayari. Nakatulala lang ako sa kisame ni Sab, rinig na rinig ko ang pag ngata niya ng chichirya niya. Bakit niya ba kasi sinabi 'yon? May gusto ba talaga siya sa 'kin o baka naman trip niya lang ako? Nagiging hobby niya ang pag tripan ako e. Kung may gusto naman talaga siya, pa'no kapag aalis na siya? At sobrang bilis naman! Ilang buwan palang ba kaming magka kilala? Isa? Isa't kalahati? Hay nako! Lalong sumasakit ulo ko kakaisip.


Unti unti kong minulat ang mata ko dahil sa mahinang pag alog sa braso ko, hindi ko man lang namalayan na nakatulog na pala ako. Muntik pa akong mapasigaw sa lapit ng mukha ni Lucas sa 'kin.


"A-anong ginagawa mo rito?" Dahan dahan pa akong tumatayo dahil ang bigat ng pakiramdam ko, para ring binabarena sa sakit ang ulo ko.


"Kanina pa kita hinahanap, narito ka lang pala kay Sab," sinapo niya ang noo ko, napaatras naman ako sa ginawa niya. "You need to eat, mataas ang lagnat mo." I unconsciously touched my forehead, mainit nga, nilagnat ako? Umamin lang sa 'yo nilagnat ka na.


"Si Sab?" Tanong ko habang umaayos ng sandal sa headboard.


"Nasa baba, kumakain na, dinala ko nalang dito 'yung pagkain mo para hindi ka na bababa." Pinakita niya ang tray sa bedside table. Siya na ang nagpakain sa 'kin dahil nung sinubukan kong kunin ang kutsara, nahulog lang.


"Ayoko na, walang lasa." Pinipilit niya akong ubusin ang dala niyang pagkain kaso wala naman akong nalalasahan, inabot nalang niya ang tubig at gamot sa 'kin na agad kong ininom.


"I'll just put this downstairs, I'll be back." Inayos niya ang kumot hanggang sa dibdib ko bago lumabas. Pumikit nalang ulit ako dahil umiikot talaga paningin ko sa sakit ng ulo ko, tinotopak nanaman ata vertigo ko. Bago pa man ako tuluyan makatulog ay narinig ko ang pag bukas at sara ng pinto.


September (Seasons of Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon