CHAPTER 16

10 1 0
                                    

"Cheers!"

Pinag untog namin ang mga baso namin, narito kami ngayon sa bahay nila Aika nag cecelebrate dahil natapos na namin ang ojt.


"Ojt done! Finals nalang!" Sigaw ni Sab sa kawalan, buti nalang at bakanteng lote pa ang katabi nila Aika kaya ayos lang mag ingay kami.


"Hindi pa rin ako kampante, gagraduate kaya ako?" Takot na tanong ni Hailee bago tinungga ang alak niya.


"Sa pagiging cum laude mo sa late at absent? Hindi malabong hindi ka makaapak sa stage." Pananakot pa lalo ni Sab. Binato tuloy siya ni Hailee ng chips.


"Nakaka kaba naman usapan niyo!" Dagdag ni Aika.


"May NMAT pa kami ni Sab, ako ay stress na stress na sa buhay."


"Oo nga pala, good luck sainyong dalawa. Ako focus nalang sa boards, wala naman akong balak mag doctor!" Ani Aika.


"Basta ako, after boards mag eenroll na 'ko." Sabat ni Hailee.


Napatigil si Sab sa pagbubukas ng bote. "Anong course nga ulit?"


"Bachelor of Fashion Design, balak ko magpatayo ng sarili kong boutique. With different branch! Mayroong for wedding, mayroon din for casuals ganern!" Hailee, stating her future plans.


"Kami ang una mong customers!" Excited na sabi ni Aika.


"Sino kaya unang magkaka anak 'no?" Out of nowhere na tanong ko, napatingin tuloy sa 'kin 'yung tatlo.


"Bunganga mo! Baka magka totoo 'yan! Kumatok ka sa kahoy!" Pilit akong pinakatok ni Sab sa wooden chair.

"Wala naman akong sinasabi ah! Tinatanong ko lang sino mauuna, wala naman akong sinabi na may mabubuntis na agad!" Pag dedepensa ko naman.


"Girl nakaka kaba ha, baka mamaya kasi magkatotoo. Mamaya niyan mapag tripan tayong pag pilian ng panahon." Pananakot naman ni Hailee.


"Change topic! Kinikilabutan ako, parang horror pinag uusapan e!" Niyakap pa ni Aika sarili niya.


"Ay bakit 'te? Takot ka magka anak?" Tanong ni Sab.


"Hindi naman, ang akin lang nakakatakot kapag hindi ka pa handa. Isa pa, wala akong pera na galing mismo sa sarili ko. Dapat stable na." Pagpapaliwanag ni Aika.


"Mayaman na 'yun," pabulong na sabi ni Sab pero rinig ko naman dahil kami ang magka tabi.

"Sino?" Tanong ko.

She smirked. "Wala."


"Basta ako safe, dahil wala akong jowa." Sabay lagok ni Hailee sa alak.


"Break na kayo?!" Gulat na tanong namin.


"Pahinga lang, baka 'pag pinilit ngayon lalong mawala. Pahinga lang," sounds like she's just trying to convince herself.


Inabutan siya ni Sab ng dalawang bote. "Iinom mo pa 'yan, kulang ka pa sa alak." Tinanggap naman ng bruha!


"Huy Sabrina, balak mo ba lasingin 'yan?" Tanong ko sakaniya.


"Alam niyo 'yung kasabihang, a drunken man's words are a sober man's thoughts." Tinignan namin si Hailee na ngayon ay nilalagok na 'yung alak. "Mag oopen rin 'yan maya maya, kapag lasing na lasing na."



Dalawang oras na kaming nag iinom, wasted na rin si Hailee dahil mukhang broken nga talaga.


"Hindi ko lang talaga alam bakit kailangan niya pang isumbat sa 'kin 'yung nakaraan ko! Kasalanan ko ba? Ha? Wala naman akong ginawang mali ah! Sila 'yung may ginawang mali! Tapos susumbat sumbat niya sa 'kin ngayon?! Gago siya! Gago!" Tuloy tuloy niyang sabi habang dinuduro duro pa si Sab na tumatawa lang.


September (Seasons of Love Series #1)Where stories live. Discover now