CHAPTER 21

14 2 0
                                    

"Cañete, Erika Ysabella M., with high honors."

Pumalakpak ang mga tao sa auditorium, narinig ko pa ang sigaw nung tatlo na ikinatawa ko. Mabuti nalang at hindi gaanong maga ang mga mata ko, salamat sa yelo, kung hindi ay mukha sana akong hapon sa graduation ko.



"Congratulations," nakipag kamay ako sa mga prof ko, pabiro pang hinila ni Dean ang buhok ko. Hanggang sa matapos ang ceremony ay malalaki ang ngiti namin, finally! Tapos na ang pag hihirap sa college!


"Waah!!" Napatingin sa 'min ang ilang tao dahil sa tili naming apat. Sobrang dami nanaman ng pictures namin.


"Kuya! Picture tayo!" Nanigas ako sa kinatatayuan ko, hindi ko magawang lumingon.


"Huy, LQ kayo 'te?" Tanong ni Hailee, hindi nga pala nila alam ni Aika ang nangyari kahapon. Umiling lang ako sakanila at lumapit kay Kuya at Mommy.


Nag picture lang kami saglit, nagpaalam na sila Aika pati na rin si Hailee na mag cecelebrate na sila kasama ng pamilya nila. Inimbitahan ni Mommy sila Sab dahil dalawa lang naman sila ni Lucas na magkasama ngayon.


"Puntahan ko lang po si Mommy, matutuwa 'yun na dadalawin ko na siya ulit." Paalam ni Sab.


Ngumiti si Mommy sakaniya. "Ikamusta mo nalang ako, dadalaw kamo ako next week na ulit kasi busy lang ha."


"Sure tita!" Bumaling siya sa 'kin para bumeso. "See ya Eka!" Kumaway lang ako sa dalawa. Hindi ko magawang tumingin kay Lucas, pero nararamdaman ko ang pag titig niya sa 'kin. Kung hindi pa siya hinila ni Sabrina hindi pa siya aalis, hindi rin nag tanong sila Kuya, hindi ko alam kung ayaw nilang mangialam o wala silang pakialam.


Pagdating namin sa bahay ay naka ayos na lahat, kaya pala wala si Ate Tin kanina, nag aayos na pala sa bahay!


"Congrats bebe girl!" Niyakap niya ako ng mahigpit dahilan para may mapansin ako, agad akong lumayo at tumingin sakaniya na nagtatanong. Ngumiti lang siya ng matamis.


"Oh my gosh! Ate Tin! Totoo ba?!" Tumawa sila sa reaksiyon ko.


Umakbay si Kuya kay Ate Tin. "3 months na."


Nag tititili ako sa sobrang saya, madadagdagan nanaman ang pamilya namin! Parang naging double celebration tuloy ngayon! Hindi masyadong nagtagal ay dumating na sila Sab, binalita ko kaagad sakaniya kaya ngayon dalawa na kaming excited na excited.


"Ate Tin! Ninang ako ah!" Nag volunteer na nga si Sabrina.


"Baka takbuhan mo 'pag pasko!" Sabi ni Kuya.


"Kuya, hindi obligasyon mag bigay sa bawat okasyon ang ninang." Pakikipag talo ni Sab. "Pero hindi ko 'yan tataguan, mag reregalo ako kapag gusto ko!" Nag bangayan na sila ni Kuya sa pinag sasasabi ni Sab.


Pinalibot ko ang tingin ko at napansin kong wala si Lucas, lumapit sa 'kin si Sab bago bumulong.


"Nasa labas, hinihintay ka."


Kinakabahan man ay pinili ko pa rin na lumabas para makausap si Lucas. Naabutan ko siyang nakatingin lang sa langit, nakahiga siya sa hood ng sasakyan niya. Agad siyang napalingon nang maramdaman ang presensya ko.


"Hi, congratulations." Tipid siyang ngumiti sa'kin.


"Thanks," mahina kong sagot.



Binalot kami ng katahimikan, hindi ko alam kung ano ang dapat at hindi dapat sabihin.



"Do you really want me to leave?" He asked after a long silence.


September (Seasons of Love Series #1)Where stories live. Discover now