CHAPTER 12

18 1 1
                                    

"Usog mo pa sa gitna!"


"Ikaw kaya rito?! Kanina pa kami nangangalay hindi na naayos!" Sigaw ko kay Hailee na kanina pa kami inuutusan kung saan ba talaga ididikit 'tong banner.


"Last na promise, sa gitna ng kaunti nalang." Sinunod namin ni Aika ang utos niya. "Ayan perfect!"


Bumaba na kami para tignan ang banner na inayos namin.


"One Team One Dream. School of Psychology College Week Booth."

"Ayos na ba lahat dito?" Tanong ni Sir Amendala, ang program head namin.


"Yes sir!" Kami ang nag aayos dito dahil kasama kami sa mga officers ng course namin.


"Ang bagal ata ni Sabrina ngayon aba, anong oras na wala pa." Puna ni Aika, isang buwan na ang nakakalipas mula nang magpakilala si Lucas sakaniya, marami na ang nangyari pero alam kong mas pinalakas no'n si Sab. Mas naging malapit na rin kami ni Lucas, lagi niya akong sinusundo at minsan hinahatid kapag maaga siyang nagigising. Hindi ko alam kung anong mayroon kami, hindi ko nalang iniisip lalo pa at alam kong aalis din naman siya.

"Sorry late ako!" Hinihingal na bati ni Sab. "Ang bagal kasi kumilos ni Kuya! Stress ako mga inday." Inabot niya sa amin ang box na naglalaman ng mga merch naming psych students.


"Ang sabihin mo hindi ka nanaman natulog agad kaka kausap sa bebe mo." Nakangising sabi ni Hailee. Kinuha naman ni Sab ang cellphone niya at may kinalikot doon.


"Hi Tristan, free ka ba ngayon?" Tinaasan ni Sab ng kilay si Hailee, mas nang aasar niya itong tinignan. Kabado ang mukha ni Hailee at biglang tumakbo para hablutin ang cellphone ni Sab.


"Bakla ka! Pinakaba mo 'ko!" Natawa kami ni Aika dahil basa home screen lang 'yun at nag kunwari lang si Sab na may kausap.


"Hi," napalingon ako sa humawak sa siko ko.


"Akala ko may lakad ka ngayon?" Tanong ko sakaniya, sabi niya hindi siya makaka punta rito sa college week namin dahil may lakad daw siya.


"Canceled it," simpleng sabi niya bago ako inakbayan.


"Bwakanginang 'yan! Nakaka bitter naman!" Sigaw ni Hailee habang kunwaring inaayos ang merch namin.


"Ba't kasi hindi mo tawagan bebe mo ha?" Sagot ni Sab.


"Warla kami 'te," kunwari pa siyang nakahawak sa dibdib niya.


"Sana all may bebe," pang gagatong pa ni Aika.



"He's only one call away, but he's just miles and miles away," pag kanta naman ni Sab.


Napatingin tuloy si Hailee sakaniya. "Ay bakla, nabago lyrics?"


"Binago ko para kay Aika." Pilya niyang tinignan si Aika na masama lang ang tingin sakaniya. Mga baliw.


"Do you need anything? Water? Coke?" Tanong ni Lucas na naka akbay pa rin sa akin.


Umiling ako sakaniya. "Hindi na, mamaya nalang siguro."


"Hoy tama na 'yan, 'di na nakakatuwa," saway ni Sab sa 'min.


"E kung gawin ko rin kaya sainyo 'yan," pang hahamon ni Lucas sa kapatid.


"Gawa, ano ha, sige nga." Sabay sabay nalang kaming napailing kay Sab, akala mong siga sa kanto.


September (Seasons of Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon