CHAPTER 17

12 1 0
                                    

Read Responsibly. (Very light)
**********************************

"Kuya! Si Mommy?"



Tanong ko kay Kuya pagka uwi ko galing sa school. "Nasa taas, nag aayos ng kuwarto. Bakit?" Hindi man lang ako tinignan ni Kuya, busy sa laptop niya.


"Wala," sagot ko at mabilis na umakyat, kumatok muna ako sa kuwarto ni Mommy bago pumasok. Naabutan ko siyang sinasara ang cabinet niya.


"Aba maaga ka ata ngayong umuwi." Puna ni Mommy.


"Mommy!" Tumakbo ako palapit sakaniya. "'Yung kwintas ko Mommy hindi ko makita!" Naiiyak kong pag susumbong sakaniya.


"Anong kwintas?" Nakakunot ang noo niyang tanong.


"'Yung bigay po ni Lucas na birth flower necklace sa 'kin. Ngayon ko lang napansin Mommy, wala akong suot kanina nung pumasok ako." Gusto kong maiyak, kanina sa school halos malibot na namin para lang mahanap 'yung kwintas ko.


Tumayo si Mommy at pumunta sa bed side table niya, binuksan niya ang drawer doon at bumalik sa tabi ko.


"Ayan," padabog niyang nilapag ang necklace ko sa palad ko. "Napaka burara niyo talagang magkapatid! Paano nalang kapag wala na 'ko ha?"


Niyakap ko si Mommy. "Huwag na high blood Mommy, love you." I kissed her cheeks. Tinulak niya lang ang mukha ko bago ako pinaalis dahil maliligo na raw siya.


Nakahinga naman ako ng maluwag, akala ko talaga nawala na! Hindi ko tuloy sinipot si Lucas ngayon, sabi ko busy ako kaya hindi kami puwede lumabas. Na guilty naman ako agad kaya tinawagan ko siya para mag face time.


"Hey, I thought you're busy?" Bungad niya pagka sagot ng tawag.


I bit my lower lip. "Ahm, baby kasi ano, I need to tell you something."



Kumunot naman ang noo niya, napaayos rin siya ng higa. "What is it?"


Hindi ako tumingin sakaniya sa sobrang guilty. "Hindi ako busy, ano kasi, kanina akala ko nawawala ko na 'yung necklace na bigay mo kaya nag dahilan lang ako sa 'yo. Sorry."


Patagal ng patagal na hindi siya nag re-respond ay lalo akong kinakabahan, sinilip ko ang cellphone ko, parang gusto ko sumigaw ng masasamang words. Nawala pala kaya ayaw sumagot! Inumpog ko pa ang ulo ko sa cellphone ko, nawalan pala ako ng connection!


"Ekang! Ni-restart ko wifi ah!" Rinig kong sigaw ni Kuya sa baba. Napasigaw nalang ako sa unan ko, nakakainis!


Nang makabalik na ang connection ko ay sinubukan ko tawagan ulit si Lucas pero hindi na sumasagot. Hay nako naman Kuya! Timing naman oh!


Sinubukan ko rin tawagan si Sab pero hindi rin nasagot, ano nanaman ginagawa nung babaeng 'yun. Tatawag na sana ako ulit pero tinawag naman ako ni Mommy. Dali dali akong bumaba, baka mapagalitan nanaman kami kasi nag linis siya e. Ganiyan 'yan si Mommy, mag lilinis tapos 'pag napagod sa 'min ni Kuya ibubuntong.


"Po?!" Halos madapa dapa na 'ko sa hagdan, binigyan pa 'ko ng nakakalokong ngiti ni Kuya. Bineletan ko lang siya, egul kay Kuya busy sa work, ako pa nga ata ang sasalo!


"Halika rito! Bilisan mo!" Sigaw ni Mommy mula sa garden. Lakad takbo na ginagawa ko, pero napatigil din ako nang makita kong hindi nag iisa si Mommy. Kasama niya 'yung magkapatid na tukmol!


"Anong ganap niyo?" Bungad ko sakanilang dalawa.



Humarap sa 'kin si Lucas habang inirapan, nanaman, ako ni Sabrina.


September (Seasons of Love Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant