CHAPTER 4

21 1 0
                                    

"Huy! Tulaley ka riyan girl?" Sabay hampas sa akin ni Aika, narito kami ngayon sa boutique ni Hailee. Nag papa sukat ng gown na gagamitin namin sa kasal nitong si Aika, hanggang ngayon hindi pa rin kami makapaniwala na magpapa kasal na ang bruha.


"Wala, may naalala lang."


"Sino sakanila?" Tanong ni Hailee na kadadaan lang sa harap namin.


Sinamaan ko naman siya ng tingin, hindi naman masyado madami naging ex ko ah. Slight lang. "Kapal ng apog natin inday ah, akala mong ang kaunti lang ng ex mo!" Ganti ko sakaniya na tinawanan niya lang dahil may inaasikaso na siyang kliyente.


"Okay ba?" Tanong ni Sab na kalalabas lang ng fitting room. She's wearing a burgundy dress, it has a delicate lace illusion overlay and fierce side slit skirt. It also has back keyhole detail, chiffon self tie high neckline and hidden pockets. She looks so pretty.


"Grabe, baka ikaw nalang ang pakasalan niya kapag nakita ka." Pang aalaska ni Aika. Pinakyuhan tuloy ni Sab. Papasok na sana ulit si Sab sa fitting room pero pinigilan siya ni Aika. "Mamaya ka na mag palit. Hoy! Hailee! Ikaw naman!" Binigay naman ni Hailee ang ginagawa niya sa assistant niya. Halatang excited magsukat ng gown niya.


"Oh ikaw? Anong tinutunganga mo riyan? Galaw galaw naman! Baka pumanaw!" Sabay batok sa akin at tinulak ako patayo, aba kasalanan ko bang binigla niya kami ngayon.


Sinukat ko na ang nakahandang damit para sa akin, parang last last month lang ina announce palang ni Aika na ikakasal na siya ngayon ay nag susukat na kami ng mga gagamitin namin. I'm now looking at the mirror, I'm wearing this stunning floor-length gown has an A-line cut in elegant chiffon. It features a halter neckline with a jewel button to secure the straps in the back. I look sexy with it. Halos sabay kaming lumabas ni Hailee at humarap sa dalawang naka cross arms na.


Hailee is wearing this beautiful dress that features tank straps that are joined by sheer off-the-shoulder straps supporting a fitted bodice. Her plunging sweetheart neckline are designed with elegant pleating details. Additional pleating delicately encircles an empire waistline, and her show-stopping floor-length maxi skirt is styled with an alluring side leg slit. It defines her boobs more, sana all.


Pumalakpak naman si Aika at tuwang tuwa habang kinukuha ang cellphone niya, hinila niya patayo si Sab para itabi sa amin. "Picture girls! Kailangan may souvenir tayo habang nag pe-prepare ako ng kasal, may babalikan ang mga anak natin." Ang advance naman ni Aika.


"Saan tayo after?" Tanong ni Aika pagkatapos naming mag bihis ulit.


Sab playfully pulled her hair. "Ikaw ba nag papa sweldo sa 'kin ha? Ilang beses na 'kong naka leave dahil sa'yo."


"'Yaan mo na! Malakas ka naman sa boss mo e. Sulitin na natin habang wala ka pa pasok ulit! Magiging busy ka nanaman kasi syempre Internship mo na, kaya nga sinakto kong saturday ang kasal ko kasi alam kong wala kang duty ng sabado, nakita ko na sched mo 'no." Pangangatwiran nito, buti nalang nasaktuhan na rest day ko ngayon kaya wala akong problema at si Hailee marami naman siyang empleyado dito sa boutique niya. Umirap lang, nanaman, si Sab.


"May pa bachelorette party ka ba?" Tanong ni Hailee habang inaabot sa empleyado niya ang mga gown namin na naka bag na ngayon.


"Syempre naman! Malay niyo roon kayo makahanap ng jowa niyo diba?" At dahil sa sinabi niya ay nabato siya ni Sab ng magazine, binato din siya ni Hailee ng notebook at binato ko naman sakaniya ang unan na nasa tabi ko. "Aray ah!"


"Bunganga mo, bastos."



"Eto naman si Sabrina! Bitter ka pa rin ba Skylar?" In-emphasize niya pa yung second name ni Sab kaya ayun nabato nanaman siya.


September (Seasons of Love Series #1)Where stories live. Discover now