CHAPTER 8

21 0 0
                                    

"Ateng ano na? Ang bagal mo male-late nanaman tayo ng pasa nito e!"


Juskolord, cramming na nga may time pressure pa ni Sab! Nakaka stress naman kasi ang pa research sa contemp, minor lang naman!


"Saglit lang naman! Kalma tayo! Lalo akong hindi nakakapag isip e." Narito kaming apat ngayon sa computer shop sa tabi ng school, pare parehas kaming gumagawa dahil wala man lang pasabi na ngayon na pala pasahan nito! Akala naman namin next week pa, buti nalang conclusion nalang kulang namin. May galit ata sa 'min 'yun! Individual pa talaga, kalerki.


"Done!" Nagulat pa ang mga kasabay naming studyante sa sigaw ni Aika, si Sab kanina pa tapos, si Hailee nagpapa print na rin. "Sir after nito talaga magkalimutan na tayo." Pag kausap nito sa monitor.


Period! "Ahh! Sa wakas natapos ka rin!" Mabilis kong sinave sa flash drive ko mamaya niyan mag topak pa computer e 'di iyak ako.


"Walang hiya, nagutom lang ako sa pinag gagagawa natin e. Ba't naman kasi biglang this week agad?" Pag rarant ni Sab pagkatapos namin makuha ang pina print namin, mainit init pa nga.


"Alam niyo naman 'yun, hilig sa surprise para lang malaman kung may ginagawa na ba talaga mga studyante niya." Dagdag pa ni Hailee na inaayos ang buhok niyang pagka haba haba.


Wala talaga kaming pasok ngayon kaso dahil diyan sa pasakit na research kailangan namin pumunta sa school. Matapos lang namin mag pasa ay umuwi na rin kami agad sa kaniya kaniya naming bahay, matutulog nalang ako ulit tutal tapos na 'ko sa lahat ng gawain ko. Habang nag papa antok ay hindi ko maiwasan mag isip, isang taon nalang gagraduate na kami. Last year na namin next school year! Parang kailan lang sunod sunod na lalaki pa ang dumadating sa buhay ko, ngayon medyo-- medyo lang naman, nabawasan na sila. Pero hindi tulad noon na sa tuwing may dadating ay sunggab ako agad, I'm a changed woman. Cheret.


Kakaisip ko nakatulog na lang ako, ang sarap na sana ng panaginip ko kaso nang bulabog naman ang ingay ng cellphone ko. Sino nanaman kaya ang hinayupak na tumatawag sa 'kin, istorbo sa beauty rest!


Haileeluya calling...


Ano nanaman kailangan ng bruhang 'to? Sinagot ko ang tawag kahit na labag sa loob ko. "Ano nanaman? Istorbo ka sa beauty rest ko ah."


[Punta tayo sa lungga ni Sab, wala nanaman ata si Tita. Otw na kami ni Aika riyan, kung ako sa 'yo babangon na 'ko dahil may ligo o wala aalis na tayo pagdating namin. Byeee.] Nang aasar niyang paalam bago binaba ang tawag, bigla akong bumangon na agad ko naman pinag sisihan. Hilo hilo sis, para na akong si The Flash sa bilis kong kumilos, napaka lapit ng mga bahay namin sa isa't isa! Si Sab lang ang medyo nalalayo ng slight.


Saktong pagkatapos ko maligo ay tumunog ang doorbell, hindi ko nalang pinansin at namili na 'ko ng susuotin. Papapasukin lang din naman sila ni Mommy o kaya ni Kuya e.


"Hoy ano na?!" Rinig ko pa ang pag hampas sa pinto ng banyo ko. Napairap nalang ako, kahit sirain pa nila 'yan hindi ako lalabas nang hindi maayos. Nag suot lang ako ng plain white t-shirt na kinuha ko lang sa drawer ni Kuya at hindi ko na binalik at maong shorts, I just tucked it in para hindi ako mukhang naka t-shirt lang. Pag labas ko ay prenteng nakahiga si Aika sa kama ko habang busy si Hailee mag selfie sa may terrace. Sun kissed ang drama ni ate mo girl.


"Hay salamat naisipan mo pa lumabas sa banyo mo, akala ko balak mo na matulog ulit diyan." Sabi ni Aika habang tumatayo sa pagkakahiga niya. "Hoy Hails tama na kaka selfie! Mukha mo nanaman makikita ko sa news feed ko."


"Ayaw mo no'n? Kaysa naman mga bestfriend mo makita mo 'di ba?" Bestfriend ang tawag namin sa mga taong nakaka alitan namin, binibwisit lang namin ang isa't isa sa pang aasar ng mga nakaaway na namin.


September (Seasons of Love Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora