CHAPTER 5

17 2 0
                                    

"Babe kailan mo ba 'ko ipapakilala sa mga friends mo?"





Narito kami ngayon sa Alabang ni Brian para mamili ng mga regalo para sa pasko.


"Soon, busy lang kami sa internship namin." Pag dadahilan ko.


"Almost 2 years na tayo pero hindi ko pa rin sila na mi-meet. Kahit parents mo hindi pa rin." He looks like he's in pain.


"Sorry, sige before christmas papakilala kita sakanila." Ngumiti naman siya sa 'kin.


Hindi ko talaga siya pinapakilala dahil gusto ko sana kapag nag pakilala ako sakanila e 'yung sure ball na, nagsasawa rin naman ako mag pakilala nang mag pakilala 'no. Tapos at the end of the day hindi naman pala mag tatagal, ngayon lang actually dahil almost 2 years na kami sa pasko. So far siya ang pinakamatagal kong naging boyfriend, achievement sa 'kin 'yun! Usually weeks or months lang eh.


"Babe ito nalang kaya?" Pinakita niya sa 'kin ang isang  glass na rose na nasa glass dome, ang kaibahan lang is glass yung rose at umiilaw at mayroon din itong fairy lights sa ilalim.



"Ang ganda, I think magugustuhan naman nila 'yan." Kanina pa kasi kami nag hahanap ng ireregalo sa mga bruha kong kaibigan, dahil tapos ko na pilian sila Mommy, 'yung kila Sab nalang ang hinahanap namin.


"Sabi mo naman hindi sila picky 'di ba?" Madalas kong bukang bibig sakaniya 'yung tatlo kaya nakikilala na rin niya sila. Tumango ako at excited na kumuha ng tatlo at binayaran na sa counter.


Pagkatapos namin mamili ay kumain muna kami sa Sbarro.


"Magugustuhan kaya nila ako?" Bigla niyang tanong habang kumakain ng fires.


Natawa ako sa itsura niya. "Kinabahan ka ata bigla?" Pang aasar ko sakaniya na ikinasimangot niya.


"Oo nga pero paano kung hindi pala nila ako trip? Or hindi nila 'ko feel para sa 'yo? Iniisip ko palang nakaka kaba na." I can tell that he's bothered. I held his hand.



"Huwag mo masyadong isipin, they don't judge easily. Well, except kay Sab, hindi pa nagkakamali 'yun sa mga dyina-judge niya e." Mukha naman siyang kinabahan lalo. "Pero she gives chances naman, lalo na kung gusto talagang mag bago. Promise mababait naman sila, maingay lang, at minsan attitude."


"How about your parents?"


"Hmm, mabait din sila. Si Papa minsan lang nakakauwi kasi sa Canada siya nag tatrabaho so hindi ko totally sure kung paano siya mag rereact, si Mommy naman mararamdaman mo agad na welcome ka 'cause that's how she is, very welcoming." Tumango tango naman siya na para bang nag aaral kami ngayon.


"May kapatid ka?" Hindi ko nga pala nababanggit sakaniya.


"Yep, may Kuya ako. Dalawa lang kami." Marami pa siyang tinanong tungkol sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko, determinado talaga siya ah. Pagkatapos namin mamili ay dumeretso na kami sa bahay nila, sa side niya lang kami legal kaya siguro gusto niya na rin talaga na ipakilala ko siya sa mga kaibigan ko pati kila Mommy. 


"Ate Erika!" Salubong sa akin ng nakababata niyang kapatid na si Mika, yumakap siya sa binti ko kaya bumaba ako para maabot niya ako ng maayos. "Where have you been ate?"


I pinched her chubby cheeks. "Namili kami ng gifts for christmas." Lumiwanag ang mukha niya sa narinig at agad tumingin tingin sa mga pinamili namin. Inangat ni Brian ang mga paper bag para hindi makita ni Mika.


"Kapag pinilit mo wala ka na bubuksan sa pasko." Pag babanta nito sa kapatid, sumimangot tuloy. Iniwan na namin sila sa baba para pumunta sa kuwarto ni Brian, buong mag hapon kami nag balot ng mga ireregalo namin, mas gusto ko kasi na ako ang nag babalot kaysa sa nag papabalot para sa 'kin na dodoble 'yung halaga ng regalo kung ako mismo ang mag babalot.


September (Seasons of Love Series #1)Where stories live. Discover now