CHAPTER 24

10 0 0
                                    

"A-anong ginagawa mo rito?"


Namamalik mata na ba 'ko? Tulog na ba 'ko? O baka naman nag ha-hallucinate na ako? Tinampal tampal ko pa ang pisngi ko para malaman kung totoo ba 'to, narinig ko ang munting pag tawa niya.



"Nothing, I just thought that you haven't eaten anything so I came here." Ngumiti siya sa 'kin ng pagka laki laki. "Can I come in?"


Wala sa sarili kong niluwagan ang pag bukas ng gate, agad naman siyang pumasok at walang hiyang naupo sa sala habang inaayos ang pinamili niya. Pinapanood ko lang siyang gawin ang mga 'yon.


"They didn't put spoon and fork," pagkusap niya sa sarili, tumayo siya para pumuntang kusina. Sinundan ko siya at nakitang kumuha siya ng kutsara at tinidor, hindi pa ako nakakarating sa pwesto niya ay pabalik na siya sa sala kaya sumunod nanaman ako.



Para akong tanga na nakasunod lang sa gagawin niya, napansin niya ata kaya lumingon siya sa 'kin.


He chuckled. "Come on, I thought you're hungry. I saw your shared post, you only do that when you feel hungry."



Wala ako sa sariling umupo sa harapan niya, nag double check lang siya kung kumpleto ba ang pagkain saka bumaling sa 'kin dahilan para mapaigtad ako.


"What?" Takang tanong niya.



Umiling lang ako at bumaba sa sahig, inabot niya naman sa akin ang Ala King, fries at Royal Mcfreeze. Hindi ko na tinanggihan, nagugutom na 'kong talaga, choosy pa ba 'ko? Tahimik lang kaming kumain na dalawa, pansin kong parang gutom rin siya kasi nakaka dalawa na siyang rice.


Hindi ko na napigilan kaya nag tanong na ako. "Ba't parang mas gutom ka ata kaysa sa 'kin?"


Sa bigla kong pag tatanong ay bigla rin siyang nasamid, kaya inabot ko naman agad sakaniya ang coke niya. Mabilis niyang ininom 'yon. Umubo ubo pa siya habang sinesenyasan ako ng 'wait'.


"Whoo!" Natawa pa ako sa pag dighay niya. "I was really hungry."


"Why?" I asked.


He scratched his head cutely. "I ahm, I want to, ahm, I want to eat with you so I gathered all my courage to ask you. But, nothing came." He scratched his nose. "Until you shared that post, that's when I decided what to do."


Kung umiinom ako ngayon malamang naibuga ko na sa mukha niya, nakakagulat! Ni hindi ko naisip na mangyayari 'to nang mag mulat ang mata ko kaninang umaga!


"Bakit?" Tumikhim ako. "Bakit, gusto mo 'kong kasabay kumain?" Nag iwas ako ng tingin, maka titig naman kasi akala mong may sinabi akong mali!



"Masama ba? Bawal? May magagalit?" Sunod sunod niyang tanong, napabaling tuloy ako sa tanong niya.


"May magagalit?" Ulit ko.


He nodded. "Yeah, like, boyfriend or something." He mumbled.


I laughed so hard making him confused, I almost choke for laughing so hard. I'm wiping my tears while looking at him still confused.


"Boyfriend? Really? Naisip mo pa 'yun?" Natatawa ko pa ring tanong.


He's looking at me like I'm some crazy person. "Hey, don't judge. I just thought, so.."



"Coming from you ha, ako pa ang nang judge?" Pang aasar ko pa lalo, kaunti nalang mapipikon na 'yan.



At napaka galing nga naman ng timing ni Cristian, tumawag bigla sa messenger ko. Parehas kaming napatingin ni Lucas sa phone ko, agad ko 'yon kinuha at sinagot, pumunta muna ako sa kusina.


September (Seasons of Love Series #1)Where stories live. Discover now