CHAPTER 10

20 0 0
                                    

"Class dismissed."


Mabilis pa sa alas kwatro akong tumayo at nag ayos ng gamit. Kanina ko pa hinihintay ang magic words ng prof ko, akala ko mag eextend nanaman e.


"Hoy, madaling madali? May lakad?" Pag puna ni Sab. Hindi ko siya matignan dahil nagi-guilty ako, pero mapapansin niya naman na may tinatago ako kung ipagpapatuloy ko 'to kaya tumingin ako sakaniya at awkward na ngumiti.


"Oo teng, may lakad ako hehe." Huhuhu ayoko na ng tinginan ni Sab, kinikilatis niya nanaman ang kilos ko.


"Para kang natatae, sabihin mo lang kung ayaw mo pa sabihin sa 'min ang mga ganap mo." Iiling iling pa siya habang inaayos ang gamit niyang maayos naman na sa paningin ko.


"Oo tama, ayaw ko pa. Next time!" I know that they are not buying it, pero hinahayaan nalang nila ako.


"Ingat ah! 'Wag masyadong marupok sismars." At nag tawanan silang tatlo sa sinabi ni Aika. Sinamaan ko lang sila ng tingin bago nagpaalam na mauuna na ako.


"Bata ka pa!" Pahabol ni Sab, narinig ko pa ang walang humpay nilang tawa ni Hailee. Lord nababaliw na po mga kaibigan ko, nawa'y patinuin niyo po sila.


Nasa labas na si Lucas ng school kaya ako nagmamadali, sabi niya 'wag ko rin daw muna banggitin kay Sab. May usapan kami na tutulungan ko siyang unti untiin si Sab sa mga dapat niyang malaman.


Nakita ko siyang naka sandal sa kotse niya at may iilang studyante ang napapalingon sakaniya. Nang makita niya ako ay umayos siya ng tayo at ngumiti sa akin.


"Hi," he gave me his sweet smile.


"H-hi," dumadami na lalo ang nakatingin sa amin kaya sumakay na ako sa kotse niya, agad na din naman siyang sumunod.


"I'll bring you to my condo, is it okay with you?" Napabaling ako sakaniya kahit na inaayos ko pa ang seatbelt ko.


"Huh? Why there?" Hindi pa ako ready! Eme.


"I just want to cook for you and then I want you to teach me your language." Natutunaw na ako sa pangiti ngiti niyang 'yan eh.


"Okay, s-sure." He winked at me before starting to drive. Bago kami tuluyan makaliko ay nakita ko pa sila Sab na nagtatawanan palabas. Napansin kong hindi siya pala salita lalo na kapag nag da-drive siya, focus na focus sa pag mamaneho, kaya hindi ko nalang din siya ginulo. Medyo may kalayuan ang condo niya sa school, halos isa't kalahating oras yata kami nasa daan.


"Good afternoon sir," bati sakaniya ng valet, inabot niya naman kaagad ang susi niya. Gaano ba sila kayaman? Ang fancy ha.


"Come on," he offered his hand which I wholeheartedly took. Gentleman lang siya Eka, gentleman lang. Pilit ko 'yun sinasaksak sa utak ko, pero hindi ko pa rin naman maiwasan na hindi kiligin. Crush ko hawak kamay ko? Pati mundo ko sige hawakan mo na rin, cheret.


"What do you want to eat?" Tanong niya habang hinihintay namin ang elevator na makarating sa 14th floor.


"Do you have a specialty?"


"Hmm," nag kunwari pa siyang nag iisip habang nakatingin sa taas ang kamay niya ay nasa baba niya. Cute mo uy. "Schnitzel! I'm good at that dish."


"Okay, schnitzel it is." Ano 'yun? Potek, wala bang sinigang nalang diyan? O hindi kaya pritong galunggong?



Sumunod lang ako sakaniya hanggang sa makarating siya sa unit niya. I was expecting a white and black accent pero nude colors ang bumungad sa 'kin.


September (Seasons of Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon