CHAPTER 1

39 1 2
                                    

"Te girl hanap ka ni Sir Roma."


Nagkatinginan kami nila Aika sa sinabi ng blockmate namin, nakatambay kami ngayon sa room dahil vacant namin ngayon. Ano nanaman kaya kailangan sa'kin nung prof namin na 'yun.



"Sige punta nalang ako." Umalis na rin siya agad. "Huuuuy, ano nanaman kaya kailangan ni Sir? Nagpasa naman ako ng paper sakanya ah. Wala naman akong absent. Hindi rin naman ako late sakaniya kanina. Ano gagawin ko?" Sunod sunod kong tanong sa mga bruha na parang hindi ako naririnig.





"Bakit hindi mo puntahan para malaman mo ano kailangan sa'yo." Umirap pa si Sab, ngumuso naman ako. "Hindi niya kami SA para masagot yang mga tanong mo." Sungit talaga.





"Iiiih. Samahan niyo ako pleeaaassee." Alam kong gagana ang charms ko sakanila, hindi nila ako matatanggihan.





"Nakakatamad 'te, ikaw nalang." Sabay tungo ni Aika sa desk.




"Sabr-" hindi ko pa nabubuo pangalan niya nag salpak na siya ng earphones at talagang tinodo pa ang volume. Sumimangot nalang ako sakanila at lumabas na para pumunta sa teachers office. Kung narito sana si Hailee e 'di may kasama ako, e kaso si babaita tapos na second subject namin wala pa rin. Nakakapag taka na hindi pa FA yun sa mga subject namin na maaaga. Bahala na nga muna siya, uunahin ko muna yung kaba ko sa pagpapatawag sa 'kin ni Sir Roma.




Huminga muna ako ng malalim bago kumatok ng tatlong beses at binuksan ang pinto. "Good morning sir, pinapatawag niyo daw po ako?" Whoo! Buti nalang hindi ako uutal utal para naman hindi halatang kabado ako.




"Maupo ka Ceñete." Umupo naman ako agad sa harap niya. "This is about Palaz." Kumunot naman ang noo ko, ano nanaman ginawa ng boyfriend ko. "Nasa clinic siya ngayon, nakipag away nanaman sa mga taga kabilang school. Please, this is not even the first time that this happened. Kaya ikaw ang kinausap ko dahil kaya mo siyang kausapin at makikinig siya sa 'yo, and you're close with his mom right?" Tumango ako.




"Ano po ba nangyari sir? Bakit nakipag away nanaman?" Totoo talagang hindi ito ang unang beses. "Wala naman po akong naaalala na may kaaway siya o kaya nakaka initan. Isang linggo na po siyang walang kaaway ngayon." Achievement na nga yun e, araw araw kaya may kaaway yun.





"Sabi sa amin ay nag hamon ng away si Zimuell dahil teritoryo niya raw ang lugar kung saan sila nag away. God knows where that place is but he shouldn't have done that." Kita ko na ang mga wrinkles ni Sir na naglalabasan dahil na rin siguro sa stress niya sa boyfriend ko.




Ngumiwi ako. "Sorry sir, ako na po ang kakausap. Sasabihin ko din po sa Mommy niya." Tumango lang siya at uminom ng tubig. Nagpaalam na ako at nagmamadaling lumabas. Baka mamaya ma high blood pa 'yun ako pa masisi. Paglabas ko ay sumalubong sa akin sina Aika at Sab, at talagang wala pa rin ang bruhang Hailee.




"Ano? Nasagot ba mga tanong mo?" Tanong ni Aika habang paakyat kami papunta sa sunod naming klase.




"Tungkol kay Zimuell." Napabuntong hininga pa ako.




"Nanaman?! Akala ko ba nananahimik na 'yun?" Gigil na tanong niya.




Naunahan akong sumagot ni Sab. "Nagtaka ka pa, isang linggo lang naman lagi tinatagal no'n sa pangako niya riyan kay Eka na hindi na makikipag away." Walang pake niyang sabi habang mabagal na naglalakad sa likod namin.




"Hay nako naman talaga! Ba't naman kasi napaka feeling bad boy niyang jowa mo? 'Kala mo namang kayang kaya mga kaaway e, asa lang naman sa kasama! Tapos pag nasuntok ng isang beses makaarte akala mo napuruhan! Hay!" Stress na stress na sabi ni Aika.




September (Seasons of Love Series #1)Where stories live. Discover now