Final Chapter (Last Part)

Start from the beginning
                                    

Walang sulyap na naganap sa kaniya. "Alam mo, attorney, nirerespeto ko ang trabaho mo. Kaya nga ikaw ang kinuha ko kasi naririnig ko na isa ka sa mga magagaling na abogado rito sa firm niyo. But.. it looks like you're proving me wrong? How can you accuse your client of something he didn't do and throw questions that are quiet far from what we came here?"

"Don't be defensive, Mr. Redido. I'm just stating the truth."

Dumapo sa akin ang palad ni tatay, gusto na niyang umalis. Pero hindi pa ako tapos sa tanginang 'to. "Truth? Do you want me to tell the truth to? That you fucked my ex while I'm trying to win him bac—"

Hindi na niya ako pinatapos dahil bigla niya akong hinila sa collar ko. Kaysa matakot, natawa ako sa mukha niyang punong-puno ng galit.

"Ituloy mo lang attorney, hindi lang complaint sa lupa ang ififile namin, pati na rin 'to.."

His face is fuming mad. Mukha siyang sibuyas sa sobrang pula ng mukha.

"Take that back, Mr. Redido. I'm warning you.."

"Bakit ko babawiin? You can say truth but I can't because you don't want it?"

"That's obviously an atrocious thing that a person could say on me,"

Mas natawa ako. Mukhang iibahin ko na nga ang abogado namin at bayaran ko na lang siya para may maibigay siya kay Stefan.

"Attorney, p-pakibitawan po ang anak ko.."

Nawala ang galit ko nang marinig ang basag na pagmakaawa ni tatay sa kaniya. "Sir, I'll only let go of him if he take everything back!"

"Bakit ko babawiin kung totoo naman?" ako an ang nag-alis ng hawak niya sa akin. "We're being professional in here, bakit ikaw hindi?"

"You fucking moth—"

He never finishes his word because someone pushed me away, made me lay my back on the shelves. Biglang bumagal ang oras nang magtagpo ang tingin naming dalawa. Why... is he here?

"Atty. Arcilla, calm down!" pang-alo ni Stefan sa kaniya.

Masama pa rin ang tingin nito sa akin, hindi ako nagpatalo. "You know it's awful to that, right?"

Piniga ang puso ko nang marinig iyon. Kahit nakatutok sa kaniya ang mata ko, hindi maiwasan na masulyapan ko ang kamay niya na nasa balikat nito, dahil doon niya tinulak ito palayo sa akin.

Tangina. Bakit ako nasasaktan?

"Just one for this ungrateful piece of shit!"

"Talagang ako pa ah?!" buwelta ko, bakas ang galit sa bawat diin ng salita. Ako pa ang may kasalanan e ako na nga ang matino simula noong una pa!

Nakuha na ni tatay ang pacing para pigilan ako. Pigilan na makasapak sa mukha niya. Tangina. Nasakal ako nang husto sa ginawa niya!

Nanaig ang katahimikan pero biglang nagpakilala si Stefan sa magulang ko. Na kahit tinawag na siya ni tatay, ngiti lang ang ibinalik nito. Ngiti na hindi kagaya dati. Ngiti na propesyonal sa trabaho.

Sinubukan niyang tapusin ang pag-uusap na nauwi sa pagtatalo sa pagsabi na ituloy na lang ito bukas. As if babalik pa kami after ng nangyari!

Si nanay na ang nagsimula na tawagin kami at wala akong nagawa na sumunod. Kahit imposible, sumulyap ako sa likuran at may kaunting pag-asa na nandoon siya.

Pero wala. Wow, Trent, bakit ka pa umaasa? Wala ka nang pakialam, hindi ba?

***

Kinagabihan, hindi ako makatulog.

What Would It Be? (COMPLETED)Where stories live. Discover now