19. Paalam

10.9K 644 455
                                    

Chapter 19

"Tatahimik na naman ang pamamahay na 'to kapag umalis ka na."

Saglit kong nilingon si Jordan bago natawa nang mapakla at bumalik na ulit sa pag-eempake ng mga damit ko. Sa pagsisinungaling niya sa akin kagabi tungkol sa date nila kuno ni Kosher na alam kong hindi nangyari dahil kasama ko siya maghapon ay hindi ko na alam kung paano ako sasagot kay Jordan. He is becoming delusional and I think the reason why he's doing this is because he sees me as a rival. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig.

"Gusto sana kitang ihatid sa terminal ng jeep pero may klase pa ako, 'tol," tinapik niya ako sa balikat kaya tuluyan na akong huminto sa pag-eempake para humarap sa kanya.

"Okay lang. I can manage. Salamat, Jordan."

Ang totoo nyan, ayoko talagang magpahatid sa kanya. Hindi ko na kasi masikmura ang pakikitungo niya sa akin. He is a such a great pretender— nagpapanggap na wala siyang problema sa akin pero in the back of his mind, he's competing with me.

"Salamat din sa pagtitiyaga sa munti naming bahay ni Nanay Tess," nakangiting sabi niya. "Sana ay na-enjoy mo ang pamamalagi mo rito, Toffer."

I stood up and gave him a quick brotherly hug. "Oo naman. Na-enjoy ko ang stay ko dito sa Lobo. Marami akong natutunan tungkol sa reyalidad. Salamat din sa pag-aasikaso sa akin," I beamed sincerely and I truly meant every word I said.

"So, paano, 'tol? Kitakits nalang pagdalaw ko kay Nanay Tess sa Maynila?"

I nodded slightly, gave him a light tap on his shoulder and this time, I grinned sheepishly. "'Ge. Sabi mo, e."

Nang makaalis si Jordan ay tinapos ko na rin ang pag-eempake ko. Actually, hindi ako maka-decide kung kailangan ko pa nga bang dalhin ang mga damit ko pauwi. I was thinking about giving my the rest of my unnecessary stuffs to Jordan since I have a lot of those back at home anyway. In the end, inalis ko rin ang ilan sa mga damit ko mula sa loob ng bag ko't inilapag nalang sa kama. I am pretty sure that they will all fit to Jordan.

Habang nakatitig sa mga gamit na iiwan ko ay na-realize kong marami talaga akong natutunan habang nandito sa Lobo and that includes becoming a minimalist. I could still remember how half assed guy I was when I first set foot here. Mareklamo ako at sobrang high maintenanced.

"Wow," I mumbled to myself upon realization. "May character development pala na nangyari sa akin dito..."

As soon as I finished cleaning my room, I immediately went to take a bath. Natagalan pa nga ang pagligo ko dahil sinulit ko na ang tubig sa poso. Mamimiss ko 'to. Walang ganito sa Maynila unless ipa-sadya ko.

When I was almost completely ready to go, I suddenly felt something is missing. Hindi ako mapakali. Parang may nakalimutan akong bagay na dapat kong dalhin. Frustrated, I slumped myself on the sofa and roamed my eyes around the house to search for whatever when suddenly, I realized what it was.

Nilabas ko ang phone ko at napabuga sa hangin dahil hindi nagpaparamdam si Kosher. Tapos saka ko lang na-realize na 'tanga, Tope! Paanong hindi magpaparamdam e hindi mo siya nireplyan kagabi'.

"Oh shit," I muttered under my breath when I saw our last text conversation.

Hindi ko nga pala siya na-replyan. Can't blame myself! I totally freaked out when I accidentally discovered how Kosher confessed her feelings for me to Jordan last night. Para akong nablangko no'n!

My emotions fucked me over. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Should I be happy because we both like each other or sad because it won't matter for I'm leaving anyway? Pero may isang nangibabaw sa aking emosyon at iyon ay ang inis dahil gago si Jordan.

The Nasty Pretender [ON GOING]Where stories live. Discover now