10. Rehearsal

9.2K 449 276
                                    

Chapter 10

"Kamusta ang pangalawang araw ng practice niyo?"

Hindi ko alam kung nang-aasar ba si Jordan nang itanong niya 'yon sa akin habang nag-i-stretch ako ng mga braso ko. Kakauwi ko lang galing sa practice at heto ako't nagpapahinga habang nagluluto si Jordan.

"Okay lang naman. Medyo mahaba na yung na-practice namin," I retorted as I massaged my own stiff shoulders.

Nilingon niya ako at napangisi sa ginagawa ko. "Bakit nananakit yata ang katawan mo dyan?"

Damn, pangalawang araw palang namin na nagpa-practice ay pakiramdam ko bugbog na ang katawan ko. Akala mo naman talaga todo bigay akong magsayaw. Kakabuhat lang naman kay Lily 'to.

"Puro lifting kasi yung steps. Paulit-ulit, e. Ang sakit tuloy ng braso at balikat ko."

"Ilang araw nalang bago ang pageant, ah. Pagbutihin niyo ang pagpa-practice. May laban kayo, sigurado ako," natatawang sabi ni Jordan kaya napa-iling nalang ako. "Narinig ko na sa bisperas daw ng fiesta ang pageant."

"Marami ba talaga ang manunuod nu'n?"

"Oo, 'tol. Isa yan sa most awaited event every year dito sa Lobo," sagot niya na automatikong nagpakaba sa dibdib ko.

"Gusto ko lang na makaraos sa gabing 'yon. Tss," sabi ko bago tumayo't nilapitan siya sa kusina.

Naamoy ko ang Adobong manok na niluluto ni Jordan. Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang tungkol sa paparating na fiesta.

"Ano palang handa niyo sa fiesta?"

"Hindi ko alam kay Nanay," kibit-balikat na sagot niya bago tinakpan ang niluluto at humarap sa akin. "Malamang kaunting putahe lang ang ihahanda namin. Mga tatlo o apat lang tapos isang dessert. Ganun naman lagi, e."

Oh. So, uuwi pala si Nanay Tess sa fiesta dito sa probinsya.

"Gaya ng?"

"Uhm. Kadalasan naman nagluluto si Nanay ng Menudo, Morcon, Kaldereta, Pancit. Basta kahit anong ulam. Pag matamis naman, nagluluto si Nanay ng minatamis na beans."

Nagsalubong ang kilay ko. "Di ba dapat may lechon?" I said suggestively. Yun naman talaga ang madalas na pagkain kapag may handaan. Sigurado ako dun kahit hindi pa ako kailanman nakakaranas ng fiesta.

"Ang mahal ng lechon! At isa pa, kung maglelechon, dapat bumili na kami ng baboy na aalagaan ilang buwan bago mag-fiesta."

"Oh edi, bibili tayo ng baboy."

"Gagi. Ang mahal ng baboy," sabi niya at nagsimula nang maghain sa hapag kaya tumulong na ako sa paglalagay ng mga kubyertos na kahit kailan ay hindi ko na ginawa noong nasa Maynila pa ako.

"Akong bahala sa lechon, Jordan."

"Ano ka ba. Huwag na, Toffer. Kakaunti lang naman ang bisita namin tuwing fiesta."

I chuckled at what he said. Napaka-humble talaga ng anak ni Nanay Tess. "Edi mag-imbita ka ng mga kaklase't kaibigan mo. Basta ako na ang bahala sa fiesta."

He just looked at me with a look of disapproval on his face. "Toffer-"

"Don't argue with me on this. Ngayon lang ako makakaranas ng fiesta. Sulitin na natin."

Pagkatapos ng dinner namin ni Jordan ay siya na rin ang nag-prisinta na maghugas ng pinagkainan. Hindi naman daw siya pagod katulad ko. Dahil dun ay naligo na muna ako (dahil wala namang shower dito kundi poso lang) at nauna nang magpahinga.

I was drying my hair with a towel when I suddenly remembered I needed to ask help from the war-freak twins regarding the attire I will wear on the pageant. For a few minutes, I was contemplating kung dapat ko nga ba silang i-contact dahil panigurado kapag sinabi ko sa kanila ang tungkol sa pageant ay tatawanan ako ng mga ugok.

The Nasty Pretender [ON GOING]Where stories live. Discover now